Advertisers

Advertisers

HIGH END PROSTITUTION SA CLUB MATRIX at CLUB APEIRO?

0 445

Advertisers

USAP-USAPAN ngayon ang ginawang pagyayabang ng may-ari ng Club Matrix para gamitin ang pangalan nina Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., at Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano.

Nakalagay kasi sa isang malaking LED screen sa kahabaan ng Macapagal Boulevard ng nasabing lungsod ang mukha at pangalan ng dalawang opisyal.

Katabing-katabi ng naturang LED Screen ang signage naman ng Club Matrix.



“Congratulations to the newly appointed Chief of the Philippine National Police, PGen. Benjamin Acorda, Jr.,” pagbati ng Club Matrix sa PNP chief.

Ganito halos din ang nakalagay na mensahe para naman kay Mayora Emi kung scan ang nakasulat ay: “Congratulations Mayor Emi Calixto Rubiano, vice-president for NCR League of Cities of the Philippines.”



Kalakip ng magkakahiwalay na mensahe ang mukha nina Gen. Acorda at Mayora Emi.

Sa unang tingin, walang masama sa mensahe na nakalagay para sa dalawa.



Ngunit para sa ilang kritiko, ang mensahe ay deklarasyon sa lahat ng ‘law enforcement agencies’ na walang puwedeng humuli sa Club Matrix dahil ‘bagyo’ at ‘super close’ sila kina Acorda at Calixto-Rubiano.

Ang Club Matrix para sa kaalaman ng lahat ay pinaghihinalaang front ng high-end prostitution, ayon sa nakarating sa ating sumbong.

Nananawagan ang ilang magulang sa lungsod na ipa-double check kung totoo bang nag-eempleyo ang Club Matrix ng menor de edad na kababaihan para lamang isabak sa ‘white slavery.’

May report din na umuugong sa intelligence community na ginagawang front ang Club Matrix para naman ilako ang mga Russian girls, Vietnamese at China girls na puwedeng I-take out sa halagang P30,000 hanggang P50,000.

Bukod dito, matindi ang Marites sa Pasay na dito madalas naglulungga ang mga suspected Chinese drug lords at mga police and NBI officials na nagbibigay proteksiyon sa kanila.

Mahalagang kumilos din tungkol dito ang Bureau of Immigration (BI) dahil palaging ipinamamalaki umano ng may-ari ng Club Matrix na pasok sila sa isang BI official at isang mataas na opisyal naman sa House of Representatives.

Karamihan sa mga parokyano ng Club Matrix ay mga Chinese nationals na walang sapat na dokumento, ayon pa sa impormante.

Para rin sa kaalaman ni Mayora Emi Calixto-Rubiano, mahalagang ipag-utos nito sa mg tauhan na ipa-double ang health at working permit ng mga kababaihang nagtatrabaho rito.

Sinasabing maging ang ‘building’ at ‘sanitary permit’ ng Club Matrix ay bagsak sa reglamento ng ‘building code.’

Walang sapat na fire exit at maganda ring ma-check kung tama o hindi ba nila dinadaya ang kanilang metro sa kuryento.

Mahalagang makita rin ng DENR, LLDA at Pasay City Hall ang ‘water treatment facilities’ ng establismentong ito dahil, base sa report, medalas ay nagbabara at lumulutang sa ilog papuntang Manila bay ang mga basura na galing sa Club Matrix.

Kasama sa basurang ito ang mga kaha ng sigarilyo ng Chinese, bote ng mamahaling alak at mga gamit na condom!

Ang mga isyung ito ay maliliwanagan lamang kung ipapasalakay sila ng ating mga awtoridad.

Samantala mga Ka Usapang HAUZ halos walang pinagkaiba ang kalakaran ng pagnenegosyo ang may-ari ng Club Apeiro na halos katabi ng Baclaran Church ang pinagkaiba lang walang greetings na nakabandera na mukha ng mga opisyal.

May nakarating sa Usapang HAUZ na may mga bagong dating na mga chikas sa Club Apeiro na sinasabing mga menor de edad at walang takot sa mga ka ilegalan kasi daw eh super lakas ng may-ari nito sa NBI at LGU ng Paranaque, aba’y Chief PNP Gen. Acorda ipakita mo nga na hindi sila malakas sa pamunuan mo isang raid nga po subok lang.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036