Advertisers

Advertisers

INTIMIDATING NA ANG CHINA

0 7

Advertisers

MATAGUMPAY ang isinagawang paglalayag ng civilian-led “Atin Ito” coalition na ang misyon ay makarating at maghatid ng tulong sa Pag-asa Island nitong nakaraang linggo.

Hinahangan natin at kinikilala ang mga bumubuo ng “Atin Ito” coalition dahil atin naman talaga ang Pag-asa Island at ang nakapaligid na West Philippine Sea (WPS) rito.

Sa isla na iyan, may naitayo na rin tayong simbahan dahil may komunidad na doon, bukod sa itinirik na mga bandila ng Pilipinas sa paligid ng isla upang ipakita sa lahat na atin ang Pag-asa Island at ang WPS.

Taliwas ito sa mga pagporma ng bansang Tsina na gumugol na ng dekadang pagtatangkang agawin ang bahagi ng karagatang iyan, maging ang maliliit na isla sa rehiyon. Malaking diprensiya dahil ang mga Tsengwa ay nakapaglagay na ng mga artificial islands, nagdedeployed pa ng mga coast guard fleets, dahil nais ngang akinin ang ating teritoryo.

Intimidating na ang dating sa akin nitong mga Tsengwa, di naman natin tinitigilan maipakita sa kanila ang ating paninindigan na atin ang lugar na kanilang tinatangkang agawin. At di tayo papayag na basta-basta na lang nila itong sakupin.

Matibag din ang paninindigan ng ating Sandatahang Lakas, ibibigay ang sarili nilang mga buhay huwag lamang masakop ang lugar na ito.

Mahabang panahon na ang agawang ito ng teritoryo at kailangang intindihin ng mga Tsengwa na atin ito.

Mainam nga na maging ang ating mga kababayan na sibilyan at nagmamahal sa bayan ay nakalikha ng “Atin Ito” coalition nagaalay ng mga misyon para ipaalam sa mundo na di papayag ang Pilipinas na masakop ito.

“Ang namatay ng dahil sa iyo”, ang huling Libya ng Pambansa ng Awit. Kasama ako sa laban na ito. Kayo ba?