Advertisers

Advertisers

1 SA KILLERS NI PERRY MARIANO TUKOY NA! – PNP

0 3

Advertisers

TUKOY na ang pagkaka-kilanlan ng isa sa riding in tandem na tumumba kay Ceferino “Perry” Mariano” at driver nito sa Timong Avenue, Quezon City noong April 29, 2026.
Ayon kay Brigadier General Randulf Tuano, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), natukoy na ang pagkaka-kilan ng salarin sa pa-mamagitan ng “latent print” na nakuha mula sa inabandonang motorsiklo na ginamit ng mga salarin.
“Nangyari ito hindi lamang na-identify kung driver or doon sa gunman na sinasabi na nagresulta na ‘yung latent prints doon sa may motor. Ang puwede lang namin i-share sa inyo identified na po ‘yung isa doon sa dalawa na background narin ‘yung mga previous cases,” pahayag ni Tuano.
Sinabi ni Tuano na sa kasalukuyan ongoing ang manhunt operations sa nasabing individual.
Aniya, hindi lang matukoy kung kanino sa riding in tandem yung latent prints na nakuha sa handle bars ng motorsiklo.
Tumanggi si Tuano na magbigay ng mga karagdagang impormasyon habang patuloy ang isinagawang imbestiga-yon at manhunt operation laban sa mga salarin.
Umaasa si Tuano na maa-resto ang mga salarin sa lalong madaling panahon.
Pinagbabaril ng riding in tandem sina Marinao at driver niyang si Norberto Orimaco, 51 anyos, habang sakay ng kotseng Suzuki Hatchback sa kahabaan ng Timong Avenue..
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng Yamaha Mio Motorcycle patungo sa Ybardolaza St. patungong Timong Ave.
Sa follow-up natagpuan ng mga otoridad ang nasabing motorsiklo na inabandonan sa Scout Rallos, Quezon City.
Natukoy ng mga otoridad na naglakad ang mga salarin sa Ybardoloza St. at tumawid ng Timong Ave. patungo sa Scout Borromeo St., at sumakay sa isang tricycle na nagpahatid sa Quezon Avenue, at sumakay sa isang pampasaherong jeep.(Mark Obleada)