Advertisers

Advertisers

HANDA SI RISA SA 2028

0 4

Advertisers

HINDI madali ang sumabak sa anumang halalang pampanguluhan. Maraming bagay ang dapat tugunan ng sinuman nagbabalak na tumakbo sa halalan pampanguluhan ng 2028.

Una, kailangang maghanda ng hindi bababa sa P10 bilyon na campaign fund upang magkaroon ng fighting chance. Kailangan ng isang lapian ng isang maasahang organisasyon upang gumalaw sa kampanya at ikapapanalo ng kandidato nito. Kailangan rin ng matinong estratehiya sa kampanya.

Kailangan ng suporta ng iba’t ibang sektor tulad ng pananakahan, paggawa, Simbahan, negosyo, at mga grupong propesyonal. Kailangan rin ng isang hukbo ng mga tagasuporta na magsisilbing kadre ng kandidato. Kailangan ng alyansa sa ibang grupong pulitikal para may suporta sa masa.

Kailangan ang may malalim na komitment upang ibagsak ang mga grupo na tanging hangad ay dambungin ang kaban ng bayan. Kailangan na ang puso at damdamin ay bakahin ang mga demonyo na nagdadala ng kasamaan sa bayan.

Ito ang mga dahilan kung bakit nagpahayag si Leni Robredo na hindi siya tatakbo sa 2028. Malaking trabaho ang hinaharap ng sinumang kandidato sa 2028. Kailangan ng matinding paghahanda. Kahit anong pilit ng kanyang tila nababaliw na mga tagahanga, hindi natitinag si Leni sa kanyang desisyon na huwag tumakbo.

Kahit tumataas umano ang rating niya sa mga survey, hindi natitinag si Leni sa mga sulsol at pambubuyo ng kanyang fans club. Mas pinaghahandaan niya ang reeleksyon bilang alkalde ng Naga City sa 2028. Mas pinaghahandaan niya na maging ganap na lola dahil nagdadalang tao ang isang anak na nag-asawa kamakailan.

Hindi niya maaasahan ang kanyang fans club ng taimtim na suporta upang manalo sa 2028. Maaaring magbibigay sila ng ilang libong piso bilang suporta ngunit hindi ito nangangahulugan na hawak nila si Leni at masusunod ang kanilang nais. Sa huli, alam ni Leni na siya ang maiiwan bilang talunan sa larangan. Mawawala ang kanyang fans club.

Hindi nalilimutan ang kanyang pakipot politics noong 2022. Dahil sa kawalan ng puso, ibinitin ang desisyon kung tatakbo at hindi. Nawala ang halos isang taon ng paghahanda. Hindi ganap na nakapaghanda. Hindi nakalikom ng pondo para sa kampanya, nakalap ng mga bagong kasapi sa lapian na nagtrabaho sa kanyang kampanya, at hindi nabuo ang mga alyansang pulitikal sa ibang grupo.

Natalo sa Unity Team ni BBM at Misfit Sara. Ngayon, siya ang gustong isubo uli ng kanyang fans club. Wala na bang ibang kandidato ang puwersang demokratiko?

Ang nakakatawa ay naglunsad ang kanyang fans’ club ng kampanya upang kumalap ng isang milyong lagda upang kumbinsihin si Leni na tumakbong muli sa 2026. Wala na kaming narinig sa kampanyang iyan. Hindi ko alam kung nagklik.

***

HANDA si Risa Hontiveros na sumabak sa 2028. Hindi siya tulad ni Leni na nagpakipot noong 2022. Kapag ninumbrahan ng puwersang demokratiko, hindi namin nakikita na tatalikod si Risa sa hamon ng pananagutan. Handa niyang kunin ang timon ng puwersang demokratiko at pangunahan ito upang harapin ang mga kalaban ng demokrasya lalo na ang kandidato ng Inferior Group kung sino man siya.

May lapian si Risa. Sandigan ni Risa ang Akbayan Party. Kumuha ang kanilang party list group ng 2.8 milyon boto sa 2025 midterm elections. Nanguna ito sa halalan ng party list group at nakakuha ng pinakamaraming upuan sa party list. Mayroon silang tatlong kinatawan sa Camara de Representantes. Mahusay na kapital ito upang magsilbing gulugod sa 2028.

Mayroon malinaw na estratehiya ang Akbayan sa bawat halalan. Marunong matuto at may hukbo ito na binubuo ng mga beteranong operador sa pulitika at kabataan na nagsisilbing kadre sa operasyon at kampanya. Bukod diyan, may malinaw itong paninindigan kung paano patakbuhin ang bansa kung sila ang umupo sa poder.

Dahil hindi kailangan suyuin si risa upang tumakbo. Hindi rin magpapakipot kung ialok na pangunahan ang demokratikong puwersa. Nakikita namin ang ganap na paghahanda kung si Risa ang sasabak. Hindi masasayang ang panahon at paghihirap kung siya ang kandidato. Tama si Sonny Trillanes sa kanyang paghahambing kay Leni at Risa: “Si Leni, ipaglalaban mo pero si Risa, ipaglalaban ka.”

***

ISA sa ginintuang kaisipan na binanggit ni Lorna Kapunan, isang beteranang manananggol, sa kanyang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City. Kung hindi titigil ang mga senador sa pagtatanggol kay Misfit Sara, maaaring hilingan ang kanilang inhibition o disqualification.

Sa maikli, hindi na sila kasali sa paglilitis ni Misfit Sara sa Senado bilang hukuman. Initsa puwera na nila ang kanilang sarili, ani Kapunan. Sa maikli, nakikita namin na may hihingi sa inhibition o disqualification ni Camoteng Robin, Rodente Marcoleta, Babs Marcos, at Alan Peter Cawatano. Hindi sila papayagan ng magbigay ng pasya sa sakdal kay Misfit.

Pinakamagandang itikom na lang nila ang kanilang bibig. Nakakatawa ang apat na maingay pero salat sa kaalaman na mambabatas. Mistulang mga komedyante sa kanilang mga walang saysay na pahayag. Pinagtatawanan.