Advertisers

Advertisers

“Pag-atras” ni Cong Arnan Panaligan sa impeachment, Fake News

0 23

Advertisers

Mariing itinanggi ni Oriental Mindoro 1st District Congressman Arnan C. Panaligan ang kumakalat na ulat sa social media na umatras siya sa suporta sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, at tinawag itong “malinaw na maling impormasyon.”

Ayon sa kongresista, walang basehan ang alegasyon dahil wala pang pormal na Articles of Impeachment na naihahain sa House of Representatives of the Philippines.

“Walang pirma na mababawi dahil wala pang dokumentong naisusulong,” diin niya.

Sumiklab ang isyu matapos kumalat ang listahan ng 15 kongresista na umatras ngunit agad itong kinuwestiyon matapos mapag-alamang may mga pangalang hindi naman miyembro ng Kongreso.

Sa gitna ng lumalalang disinformation, nananawagan si Panaligan na maging mapanuri.

“Sa simpleng dahilan wala pang naisampang articles na naka calendar para sa deliberasyon at botohan. Wala pang anumang pirma na maaring bawiin” paliwanag ni Panaligan

Nag-ugat ang kontrobersiya matapos kumalat sa social media ang isang listahan na nagsasabing may 15 mambabatas na umatras sa kanilang suporta sa impeachment complaint.

Ngunit nauna nang kinuwestiyon ni Saro Bicol Partylist Rep. Terry Ridon ang kredibilidad ng listahang ito, lalo na’t may nakasamang pangalan na hindi naman miyembro ng kongreso.

Sa gitna ng mabilis na pagkalat ng maling impormasyon, nananawagan ang mga opisyal sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga hindi beripikadong ulat, lalo na’t papalapit ang inaasahang botohan kaugnay ng impeachment.

Sa ngayon malinaw ang paninindigan ng kongresista na walang umaatras dahil wala namang dapat atrasan.

“Wala pa namang pinipirmahan ako kaya walang wini-widraw” – dagdag pa ng kongresista

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com