Advertisers
Ininspeksiyon nina Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno, CIIS Director Thomas Narcise, ESS Director Noel Estanislao, PM General Emmanuel Luis Licup at Port of Manila District Collector Rizalino Jose Torralba ang tinatayang P136.92 milyong halaga ng mga misdeclared, regulated, at prohibited goods sa Port of Manila na nagpapatibay sa pangako nitong pangalagaan ang mga pambansang hangganan at protektahan ang kapakanan ng publiko.
Isinagawa ang operasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang pagsisikap laban sa smuggling at ipinagbabawal na kalakalan. (BONG SON)





