Advertisers

Advertisers

Ivana Alawi bilib sa mga kumpanya na may mga empleyado na PWD

0 13

Advertisers

Ni Anne Venancio

Pinuri ni Ivana Alawi ang Brilliant Skin Essentials Inc. dahil sa pagtanggap nito ng mga persons with disabilities (PWD) bilang bahagi ng kanilang workforce.

Ayon sa social media personality, may 11 PWDs na kabilang sa mahigit 1,000 empleyado ng kumpanya, at itinuturing silang mahalagang bahagi ng operasyon.

Ibinahagi rin ng aktres ang kuwento ng isang empleyado na si Dinky, isang bingi at single father na anim na taon nang nagtatrabaho sa kumpanya. Ayon sa ulat, ang kanyang trabaho ang nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan upang masuportahan ang kanyang anak. Sa pamamagitan ng sign language, ipinahayag ni Dinky ang kanyang kasiyahan sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

Hinimok din nito ang publiko na suportahan ang mga negosyong nagbibigay ng pantay na oportunidad sa trabaho. Giit niya, mahalaga ang pang-unawa at pagtanggap sa mga PWD bilang kapantay sa lipunan.

Ang kumpanya ay itinatag ng negosyanteng si Glenda Dela Cruz at patuloy na lumalawak ang operasyon sa buong bansa, na nagbibigay ng trabaho sa libo-libong Pilipino.