Advertisers
Ni Beth Gelena
May post si Shaira Diaz sa kanyang Facebook account na nawawala ang wedding ring ng mister niyang si EA Guzman sa plane, mag a- anniversary pa naman daw sila.
Kuwento niya naiwala ng kanyang asawa na si EA Guzman ang wedding ring niya habang nasa eroplano sila. Hinubad daw at inilagay sa bulsa nung nag c.r sya, ngunit nakalimutan niyang isuot ulit ito hanggang sa nawala.
Mabuti nalang at nakipag tulungan umano Ang Qatar airways para mahanap Ang nawawalang sing sing at si Shaira pa Ang nakakuha nito sa ilalim ng kanilang upuan.
“Si Baba, nawala niya yung wedding ring niya dito sa plane! Mag-a-anniv pa naman kami no? 1 year! Tapos mawawala yung wedding ring!”
Ayon sa mga netizens, hindi pa raw kasi si EA na married na siya.
“Buti nalang at nakita rin Happy Anniversary Indeed yun ang twist”
Si Shaira pa rin ang nakakita sa singsing.
Iba talaga kapag ang dalawang totoong nagmamahalan madaling nasosolusyunan ang kanilang pinagdaanan.
Ani Shaira: “Buti nalang magaling ako sa hanapan”
Payo naman ng isang commenter: “Dapat talaga hndi po yan hinuhubad EA Guzman lalo pag nsa publicArea /plane kau..mas mainam pa qng sa bahay lang..kaloka sayang tlaga sana..buti nakita ni effortless wifey Shaira Diaz kung aq nyan naku2!”
“Bat kasi tinatanggal e 100% naman tunay kahit pa madumihan yan e okay lang yan EA Guzman wag mo na ulit huhubadin ha tamo effort si wifey Shaira Diaz ang diskarte tlga ng mga wifey noh kasi yan kahit pwede naman bumili ulit pero iba pa din yung sinuot niyo sa mismong wedding niyo.kaya nakakasad nga naman for us bilang babae/wife kapag nawala ang isa,mabuti at nahanap din lang panatag na ang wifey shaira niyan”
Bumiyahe ang mag-asawa patungong Finland para magshoot ng pelikula and at the same time doon na rin sila magse selebreyt ng kanilang first wedding anniversary.
Pagdating nila sa Finland, agad flinex ni EA ang wedding ring na nakasuot na sa kanyang daliri.
Sina Shaira at EA ay ikinasal last August 2025.