Advertisers
Ni Anne Venancio
Nagbabala ang aktres na si Angelica Panganiban sa publiko matapos umanong gamitin ng isang 4-star resort sa Zambales, ang Mangrove Resort Subic, ang kanyang pangalan at larawan nang walang pahintulot.
Giit ng Uy Coronel & Villamor Law Office, wala silang kaugnayan sa nasabing resort o sa anumang aktibidad na may kinalaman sa naturang isyu.
Paalala ng aktres, maging maingat at tiyaking beripikado ang mga page o account na kinokontak online, at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad o insidente ng panlilinlang.
“SCAM ALERT – PLEASE READ & SHARE,” panawagan ni Angelica, kasabay ng paghikayat sa publiko na maging mapagmatyag laban sa online fraud.