Advertisers

Advertisers

HOLIDAY NA NAMAN, MAGPAKABAYANI SANA TAYO SA BASURA

0 4

Advertisers

DALAWANG importanteng holiday ang atin na namang gugunitain sa linggong ito, na pawang kabayanihan ang ipinaaalala sa ating lahat. Ang isa ay sa August 21 bilang Ninoy Aquino Day at pangalawa ay sa August 31 na National Heroes Day.

Magandang mga alaala ang ipinagugunita ng mga holiday na ito sa atin, kabayanihan na inialay ang buhay para sa bayan na hanggang sa ngayon, ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay di makaangat-angat sa buhay.

Pero ibang kabayanihan na ngayon sa tingin ko ang hinahanap ng ating Inang Bayan. At sa mga nagdaang linggo ay nasaksihan at karanasan naman natin ang matinding laban, dala ng kalikasan, ang mga pagbaha.

Taon-taon din ang karanasang ito, parang holiday na taon-taon din nating ginugunita. Paano ba, o’ ano ang tamang mga paraan para di man nawala ang pagbaha ay mabawasan man lang natin.

Daanan natin siguro sa larangan ng kabayanihan, para maitatak natin sa ating mga isipan, na ang malaking bagay na nakapagpapabaha ay atin din mga kapabayaan. Huwag na natin pag-usapan ang mga nakawan sa mga proyekto na pang baha, bahala na ang gulong ng hustisya diyan.

Sa atin na lang mga sarili, at itanong natin tama ba ang aking pag-uugali kung basura ang paguusapan? Basura ang nakita natin buying nakaraang mga pagbaha ang bumara sa mga daluyan ng tubig ulan na bumuhos halos ng dalawang linggo.

Paano ba tayo magtapon ng basura? Yun isinubo mong candy saan mo tinapon ang plastic na balita? Yun resibo ng ATM nang mag withdraw ka habang kumakain ng naka-sachet na tsitsiray saan mo itinapon? At ang mga basura nating nakalap sa loob lamang ng ating mga tahanan, ay tama mo bang nahahandle ang pagtatapon?

Sa mga nakuha ng basura, nitong nakaraang pagbaha, may mga kutson pa ng higaan ang nakita natin, mga sirang kagamitan kasama na ang frigidaire, Diyos ko naman itinapon na lamang sa tabing ilog, at siyempre tatangayin ng agos, babara sa lagusan.

Ilan lamang yan sa ating mga nakagawian, at siguro baguhin na natin ang mga pag-uugali natin na iyan, ang walang habas na pagtapon sa ating mga basura. Gawin nating kabayanihan ang tamang pagtatapon, pagdidispatsa ng ating mga basura, nang sa gayon ay makatulong naman tayo sa pag-awat sa pagbaha.

Ang maliit na kabayanihan na iyan ang pihadong sasalba at magpapanalo sa atin sa pakikipaglaban sa baha.