Advertisers

Advertisers

Rio Locsin labag sa loob ang paghububad noon

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Ibinahagi ni Rio Locsin ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng mga daring roles noong kanyang kabataan, sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Aniya, hindi siya kumportable noon sa mga sexy o daring projects na kanyang ginawa.

“Labag sa kalooban ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko,” aniya.
Sinunod lamang daw niya noon ang utos ng kanyang ina at mga direktor sa set.

“Sabi ng nanay ko, siyempre, susundin ko nanay ko… bata ka nun, lahat ng sabihin ng direktor, gagawin mo,” dagdag niya.
Pero mas nauunawaan na niya ngayon ang mga naging karanasan niya bilang bahagi ng paghubog sa kanyang karera.

“Yung parang na-realize mo lang ‘yun… kasama pala talaga ‘to sa pagpapaaral sa akin,” aniya.
Paalala naman nito sa mga baguhang artista, maging maingat sa pagtanggap ng proyekto.

“Dapat nag-iisip din kayo na kung hindi tama, hindi tama,” giit niya.