eSports, palalakasin sa tambalan ng Smart at DLS
Advertisers
ASAHANG ang mas malawak at makabuluhang program sa esports mula sa grassroots hanggang sa elite level bilang National players tungo sa pagiging professional players sa pagtatambalan ng Smart Communications, Inc. at Dark League Studios (DLS).
Ikinasa ng dalawang kumpanya, sa pakikipagtulungan ang Philippine Esports Organization (PESO) ang pagkakaisa para higit pang isulong ang Esports at bigyan ng higit na oportunidad ang mga kabataan na naghahangad na umangat ang kakayahan mula sa grassroots hanggang sa elite level na patungo sa mga propesyonal na liga.
Para higit na mapagsilbihan ang Pinoy gamers, ipinahayag ng pamunuan ng Smart sa ginanap na media conference nitong Miyerkoles sa New World Hotel ang higit na pagpapalakas ng Smart GIGA Arena, ang unang all-in-one na Esports platform ng bansa na nag-aalok ng karanasan sa tournament para sa mga baguhang manlalaro ng mga sikat na laro kabilang ang Mobile Legends: Bang Bang, Call of Duty Mobile, Player’s Unknown Battleground, at League of Legends Wild Rift.
Ang partnership ay magbibigay-daan sa Smart na palakihin pa ang GIGA Arena sa pagpapalaganap ng mga tuntunin ng mga tournament, mas makabuluhang interaction ng mga gamers at maayos na lugar para sa baguhan at beteranong gamers.
“Our partnership with DLS is in line with our commitment to provide the best gaming experience to Filipinos. We at Smart have always believed in the ability of Filipinos to dominate sports of all kinds – including Esports. Through our collaboration with DLS, we hope to empower more aspiring Esports athletes to level up their gameplay and compete in a much bigger arena,” pahayag ni Al S. Panlilio, PLDT Inc and Smart Communications President and CEO.
Mula nang ilunsad ito noong 2022, ang Smart GIGA Arena ay nakapagho-host na ng mahigit 2 milyong user na nakalahok sa mahigit 1,000 tourneo na may kabuuang P4.2 milyon na papremyo.
Sa pamamagitan ng tambalan, ang Smart at DLS ay nangako rin nang malaking pagbabago sa kalidad ng mga gamers sa pakikipagtulungan sa Philippine Esports Organization (PeSo) para mapanatili ang pinakamataas na pamantayan ng integridad ng laro.
Parehong naghahanda ang Smart at DLS na makipag-ugnayan sa mas maraming Filipino gamers sa mga bagong tournament at pinahusay na feature sa GIGA Arena platform.
“We share Smart’s vision for Philippine Esports, and we are excited to leverage our expertise and experience in engaging the gaming community and inspiring Filipino gamers to fulfill their dream,” sambit naman ni Alfrancis Chua, Co-Founder & Chief Marketing Officer of Dark League Studios.
“We are glad to see the support of Smart to elevate the industry and align our initiatives in favor of the sport. This will help generate more opportunities for aspiring Filipino gamers to showcase and develop their skills as they aspire to become the next generation of Team SIBOL athletes,” aayon kay Marlon Marcelo, Executive Director of Philippine Esports Organization.