Advertisers
NAPAKA-GANDANG pakinggan ang pag-uulat ni Quezon province governor Angelina “Helen” Tan na sila raw ay nakawala na sa stigma na dulot ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Mano kasi, maraming taon na ang nag-daan, kapag sinabing Quezon province, ang kasunod mong salitang maririnig ay “maraming NPA diyan”, na siya namang prinoblema ng mga taga-Quezon. Yun nga mismong taga-roon kapag nalamang taga-Quezon tatanungin ng kausap kung taga-labas ba? Ibig sabihin kung siya ba ay taong-labas na bansag sa mga NPA sa probinsiya.
Taong-labas, dahil di sila kasama sa talagang lipunang ginagalawan ng karamihan. Mas piniling mamundok, at manggulo kapag ang sikmura ay kumakalam na. Yan ang trabaho ng mga NPA, ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ang mga buhay at kalagayan ay kagaganda. Ang iba ay nasa ibang bansa pa. Taga-sulsol sa mga NPA na manggulo at kung maaari ay agawin ang pamamahala ng gobyerno ng kahit na sinong Administrasyon.
Lagpas 50’years na itong pinaggagawa ng mga komunistang-teroristang ito. Ganyan katagal dinala ng Quezon province ang stigma na ang kanilang lugar ay pinamumugaran ng mga NPA.
Pero, talagang walang forever. Sabi nga ni Governor Tan, nakawala na sila sa stigma. At wala silang ibang ginamit na paraan kung di ang ‘local peace engagement’ (LPE) na nagpaliwanag sa mga tao ng tunay na hangarin ng pamahalaan – ang panatiliin ang kapayapaan upang sundan ng kaunlaran ang anumang lugar.
Nang malaman ng kanilang mga mamayan ang hangarin ng pamahalaan mula pa noon itatag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ngayon ay ipinag-papatuloy ni Pangulong Bong Bong Marcos ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan ito ang gumagalaw gamit ang ‘whole-of-nation approach’ tinalikuran ng mga taga-Quezon ang pag-suporta sa NPA.
Ang kagandahan pa, mismong dating mga NPA ay sumama na, nagsisuko nang maintindihan ang talagang hangarin ng pamahalaan at kung paano nito tinutulungan ang simpleng mamamayan lalo na ang mga nasa kanayunan. Ang paraang ginamit daw ng NTF-ELCAC, ang sabi ni Governor Tan, ang nagmulat ng mga mata ng mga nabulag sa maling paniniwala ng CPP-NPA-NDF, ang nagtulak sa mga nagsisuko nilang mga miyembro at maging ng mga taong sumusuporta sa kanila.
Ngayon nga raw, ang kwento ni Governor Tan, ang kanilang ginagawa na ay paggulungin na ang kaunlaran. Kasama na rito ang mga dating nanggugulong mga miyembro ng NPA. Binibigyan ng kabuhayan para makapamuhay bilang tunay na bahagi ng normal na lipunan. Pinangangalagaan ang kanilang kalusugan at kaalaman sa pamamagitan ng tamang programa ng edukasyon.
Ayun! Naubos ang miyembro ng NPA na nagsasabing ‘kahirapan’ ang dahilan ng kanilang pakikipag-laban sa pamahalaan. Paano pa kaya silang lalaban? Kung maging sila mismo ay nakararamdam na ng kaunlaran?
Kaya yun mga kaunting NPA na natitira a at nagsitakbuhan na sa mga lalawigan ng ka-Biculan, kayo makakaranas pa ng kagutuman sa inyong kakatago, mas mabuti pa, kayo’y sumuko na at maranasan ang tunay na kapayapaan at kaunlaran.