Advertisers

Advertisers

P25 BIGAS IKAKALAT SA IBA PANG KADIWA STORES

0 148

Advertisers

TARGET ng Department of Agriculture (DA) na ikalat pa sa mga Kadiwa stores sa iba’t ibang panig ng bansa ang 25 pesos per kilong bigas.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na sa kasalukuyan kasi ay sa Kadiwa sa DA pa lamang available ang murang bigas na ito.

Kapag gumanda na aniya ang ani ng mga magsasaka ngayong taon ay plano nilang dalhin ang murang bigas sa iba pang mga sangay ng Kadiwa sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.



Kung pagbabatayan ang datos ng National Rice Program, sinabi ni Evangelista na magiging maganda ang supply situation dahil bukod sa local production ay may inaangkat ding bigas mula sa ibayong dagat.

Kasabay nito, pinawi rin ng opisyal ang agam-agam ng ilang agricultural group tulad ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ukol sa suplay ng bigas dahil mayroon naman aniyang importasyon na aagapay sa lokal na produksiyon sakaling kapusin ito. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">