Advertisers

Advertisers

PPA umayuda sa turismo ng Currimao

0 114

Advertisers

Humigit-kumulang 50 turista mula sa New Zealand at Australia na sakay ng international cruise vessel M/S Heritage Adventurer ang dumating sa Currimao Seaport sa Ilocos Norte noong Hunyo 26, 2023 na mainit na sinalubong ng Philippine Ports Authority (PPA) at ng Department of Tourism (DOT).

Sinabitan ang mga dayuhang turista ng Welcome Lei bilang tanda ng mainit na pagtanggap sa kanila.

Hinandugan din sila ng tugtugin at sayawin ng pamosong Dinaklisan Festival Dancers ng Currimao.



Inasistehan sila PPA, Philippine Coast Guard at Philippine National Police upang masiguro ang kanilang seguridad sa pamamasyal sa lugar.

Ang M/S Heritage Adventurer ay opisyal na nagawa noong 1991 sa Rauma Shipyard sa Finland at kinikilala bilang “The Grande Dame of Exploration Cruising” dahil sa makasaysayang kuwento sa likod nito at sa disenyo nitong nakalaan para sa mga polar exploration.



“Ang pamunuan ng PPA PMO Northern Luzon ay labis na nagagalak sa pagbisita ng MS Heritage Adventurer dito sa pinagandang Port of Currimao. Nawa’y maging umpisa ito ng pagdating ng iba pang cruise vessel at iba pang klase ng mga barko sa ating pantalan. Patuloy naman na makakaasa ang publiko na lalo pang pagagandahin at imo-modernize ng PPA sa pangunguna ni GM Jay Santiago ang serbisyo at pasilidad nito,” lahad ni Port Management Office of Northern Luzon Port Manager Marieta Odicta.

Nauna nang dumating ang M/S Heritage Adventurer sa Port of Batanes kamakailan at nakatakda ring tumungo papuntang Hundred Islands sa Pangasinan bago maglayag papuntang Maynila.



Samantala, sa tulong ng gobyerno at koordinasyon mula sa PPA at DOT, kasalukuyang isinasagawa ang Expansion Project sa Port of Currimao bilang preparasyon sa mga mas malalaking cruise vessel na bibisita sa nasabing lugar ngayong taon.

“It is about time that we welcome these international cruise ships back to Philippine shores as we bounce back from the effects of the pandemic. Sa ngayon, meron na po tayong mga proyektong naka-line up para sa pagbubukas ng first ever dedicated cruise ship terminal sa bansa, hopefully this year, by October, ay mabuksan na rin po natin ito sa publiko, this is going to be the first in the Philippines,” pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago.