Advertisers

Advertisers

TAGUIG LGU, NAG DONATE NG P90-MILYON HALAGA NG MGA SASAKYAN AT KAGAMITAN

0 149

Advertisers

UPANG markahan ang kanyang unang taon sa panunungkulan, pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang ceremonial turnover ng P90-milyong halaga ng mga sasakyan at kagamitan sa Philippine National Police-Taguig, Bureau of Fire Protection-Taguig, at mga barangay ng Lungsod sa TLC Park sa Lower Bicutan noong Hunyo 28, Miyerkules.

Pitumpung sasakyan na binubuo ng mobile patrol vehicles, multi-purpose vehicles, motorcycles, custodial van, fire trucks, ambulances, at firefighting tricycles ang itinurn-over kasama ang mga kagamitan na binubuo ng mga baril, body camera, at recording device.

Ang mga sasakyan at kagamitan ay naglalayong tiyakin ang mabisang pagpapatrolya at proteksyon at agarang pagtugon sa emerhensiya at sakuna, higit pang pagpapalakas sa pang-araw-araw na operasyon ng bawat benepisyaryo.



“Lumalaki po ang populasyon ng ating lungsod, at ang development, yung progress po natin, ay hindi nagpapaawat. At sa kaganapan po natin ngayon, pinapasan ko po yung burden ng pagsisiguro na lahat ng nagtatrabaho, naninirahan, at lahat ng pumupunta sa lungsod. , maramdaman nila na sila ay pumupunta sa lungsod na ligtas, payapa, at maayos,” ayon kay Mayor Lani sa kanyang mensahe

Dumalo sa kaganapan upang ipakita ang kanilang pagpapahalaga at suporta sina PNP Southern Police District Director PBGen Kirby John Brion Kraft, Taguig Chief of Police PCol. Robert Baesa, Head ng BFP-Taguig Supt. Eddie W. Tanawan, Congressman Ricardo “Ading” Cruz Jr., Vice Mayor Arvin Ian Alit, District I and II City Councilors, Taguig barangay captains at mga opisyal mula sa lokal na pulisya at BFP.



Sinabi naman ni PBGen Kraft na malaki ang maitutulong ng mga mobile cars at motorcycles patrol na ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Taguig para mapanatili ang katahimikan at kaayusan laban sa kriminalidad .

Dagdag pa ni Kraft na magtatalaga siya ng karagdagang kapulisan sa lungsod ng Taguig upang masiguro na ligtas at payapa ang mamamayan. (JOJO SADIWA with photos by: CESAR MORALES)