Advertisers

Advertisers

Iligal na sugal sa Santa Rosa at Cabuyao, hamon kay Laguna Provincial Director PCol Depositar?

0 274

Advertisers

SA kabila ng mahigpit na babala ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr. na kanyang tatanggalin ang mga regional, district, provincial at city director, ganon din ang mga chief of police na hindi susunod sa kanyang utos na linisin at ipatigil ang lahat ng uri ng iligal na sugal tulad ng jueteng, bookies, lotteng at iba pa sa kanilang mga areas of jurisdiction.

Ngunit sa kabila ng kanyang paulit-ulit na babala ay may mga chief of police at ground commander parin ang hindi tumutugon sa ipinatutupad na “One-Strike at No Take” Policy tulad ng nangyayari ngayon sa nasasakupan ng Laguna Police Provincial Office.

Sa AoR ng bagong Laguna provincial director PCol Harold P. Depositar, partikular sa siyudad ng Santa Rosa at Cabuyao ay namamayagpag ang operasyon ng magdamagang sugal na “color games at drop ball” ng mga nagngangalang Rommel, Joel at Boknoy.



Matinde ang naging banta ni Acorda na sibak agad sa pwesto ang sinomang PNP officials ang dawit at protector ng iligal na sugal sa ilalim ng ipinatutupad na “one-strike” policy.

Aniya wala siyang sisinuhin sa mga police commander na mabibigong patigilin ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon dahil alam niyang kapado ng mga pulis ang lahat ng sugalan sa kanilang mga lugar.



Sa kabila ng mahigpit na kautusan ay nananatiling talamak ang presensiya ng iligal na sugal na matatagpuan sa bakuran ng TARGET MALL ng Santa Rosa, Niugan at KATAPAN HOMES at Cabuyao Laguna.

Batay sa sumbong na ipinarating sa inyong lingkod ng ilang concerned citizen, tila hindi umano tumatagos ang “One Strike at No Take” Policy na ipinatutupad ni Acorda dahil namamayagpag parin ang iligal na sugal sa mga nabanggit na lugar na inaabot umano ng umaga ang operasyon nito na mula alas ala sais ng gabi.



Kahit na may ipinatutupad na “One-Strike” Policy si Acorda kung hindi naman sinunusunod ng mga PNP officials ng Laguna ay useless lang at malamang na lilitaw na weak leader si PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr.

Naniniwala naman ang ilang sektor na bumabatikos nito na hindi din matutuldukan ng kapulisan ang pamamayagpag ng iligal na sugal dahil ipinagmamalaki umano ng mga nabanggit na gambling operator na may “basbas” umano ni Santa Rosa City Chief of Police PLt Col Dwight F. Fonte at Cabuyao Chief of Police PLt Col John Eric B. Antonio ang sugal na “color games at drop ball games” sa kasuluk-sulukan ng nasabing mga lungsod sa lalawigan ng Laguna.

Nananawagan din ang grupong tumutuligsa nito kayLaguna Provincial Director PCol Harold Depositar na imbestigahan ang nabanggit na sugalan upang mapanagot ang protektor nito?

Panawagan din ng mga residente kay Col Depositar, ay aksyunan ang salot na “color games at drop ball” sa lungsod nina Mayor Arlene Arcillias at Mayor Dennis Hain.

Subaybayan natin!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.