Advertisers
PAULIT-ULIT lang ang mga imbestigasyon sa HOARDING at SMUGGLING ng agricultural products, wala namang nangyayari. Aksaya lang ng oras at taxpayers money!
Oo! Ilang beses na bang nagsagawa ang kongreso ng mga imbestigasyon tungkol sa mga pag-iimbak at pagpupuslit ng agricultural products? Hindi na mabilang! Bawat bagong administrasyon, nagsasagawa ng mga imbestigasyon. Mismo!
Dito lang sa isang taon palang na administrasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr., nagsagawa na ng serye ng imbestigasyon ang Senado at Kamara (House of Representatives) sa isyu ng hoarding at smuggling sa agri products. Hindi parin naman nasusugpo! Tama ba ako, Sen. Cynthia Villar?
Ang nakakatawa pa nga rito, ang mga indibidwal na iniimbestigahan ay yun parin mga dating ilang ulit nang ipinatawag sa mga imbestigasyon ng kongreso. Tapos wala rin nangyayari, talamak parin ang hoarding at smuggling.
Sikat na sikat na nga Leah Cruz, ang tinaguriang “Sibuyas Queen” ng Pilipinas; Jun Diamante, Gerry at Paul Teves, David Tan alyas David Bangayan, Jude Logarta, Andy Chua, George Tan, Tommy Go at Wilson Chua, mga pangalang paulit-ulit na nababanggit sa mga serye ng imbestigasyon ng Senado at Kamara.
Sa kabila ng mga serye ng imbestigasyon, wala namang napakulong sa “economic sabotage”. Patuloy parin sa pananabotahe sa ekonomiya ang mga smuggler at mga hoarder.
Paano kasi, sa piskal palang ay naka-cash este nadidismis kaagad ang kaso. You know!!!
Nitong Martes, inatasan na naman ni Pangulong Marcos ang Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon laban sa mga nag-iimbak at nagpupuslit ng agricultural products partikular sibuyas.
Siguradong si Leah Cruz at mga nabanggit na smuggler parin ang pagkakakitaan este ang tutumbukin sa imbestigasyong ito. Pramis!
How about yung sinasabing kaanak ng First Family na nagpupuslit din ng agri products? Maiimbestigahan din kaya yun ng DoJ at NBI? Hehehe…
Anyway, sige abangan natin kung sino-sino ang maipapakulong na hoarders at smugglers sa gagawing imbestigasyon ng DoJ at NBI.
Sa totoo lang, mga pare’t mare, kilalang kilala ng mga taga-Bureau of Customs ang mga smuggler sa piers at airports. Gatasan nila ang mga ito eh! Aminin!!!
Kilalang kilala narin nila ang mga nagpaparating ng mga pekeng produkto, na hinuhuli lamang ‘pag walang “padulas”.
Kilala narin ng mga awtoridad kung sino-sino ang mga nagtatago o nag-iimbak ng mga produkto para tumaas ang presyo sa merkado. Mismo!
Kaya itong gagawin na namang imbestigasyon sa smuggling at hoarding ay magiging moro-moro lang. Mismo!