Advertisers
HINAHANAP na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang drop-out student na tumalon sa Binondo-Intramuros Bridge sa Plaza Mexico Intramuros, Maynila, Huwebes ng gabi.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), 9:35 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang MPD-Station 5 ukol sa isang lalaki na tumalon sa nasabing tulay.
Ang biktima ay 16 anyos na lalaki, taga Tondo, Maynila na sinasabing drop-out student.
Ilang testigo ang nagbigay ng pahayag sa pulisya na umanoy nakakita sa pagpapakamatay ng biktima.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at retrieval operations ng coast guard. (Jocelyn Domenden)