Advertisers
NASAWI nang ma-hit and run ang 28 anyos na dating contestant ng singing competition sa telebisyon.
Kinilala ang biktima na si Mark Ken Mariscal, naging contestant noon sa Tawag ng Tanghalan ng “It’s Showtime”.
Ayon sa ulat, nakaangkas si Mariscal sa motorsiklong minamaneho ni Ruben Borgonia.
Sa report, 2:45 ng madaling-araw, binabagtas nina Mariscal at Borgonia ang patungong Barangay Indangan nang huminto sila sandali upang mag-CR sa Cabantian Road sa Davao City nitong Linggo ng hatinggabi.
Pagbaba ni Mariscal sa motorsiklo, nawalan siya ng balanse at bumagsak sa kalsada.
Tinangka ni Borgonia na pahintuin ang isang dumadaang puting sasakyan ngunit hindi huminto kaya nasagasaan si Mariscal.
Agad na isinugod si Mariscal sa Southern Philippines Medical Center nguni’t idineklara itong dead on arrival.