Advertisers

Advertisers

Brgy. Tanod kinatay ng kapitbahay

0 136

Advertisers

BINURDAHAN ng saksak hanggang sa mapatay ng kapitbahay ang isang barangay Tanod matapos ang mainitang pagtatalo Lunes ng madaling araw sa Brgy Aguado Trece Martirez City Cavite .

Kinilala ang biktima na si Armando Ignacio Jr, 36 anyos, Barangay Tanod, residente ng Blk. 15 Lot 15, Phase 2B, South Ville, Brgy Aguado, Trece Martires City.

Arestado naman ang salarin na si Noel Juan Basco, 46 anyos, residente ng Blk 14, Lot 10, Phase 2A South Ville, Brgy Aguado, Trece Martires City



Sa imbestigasyon nina Police Sergeant Gideon T Grijaldo at Police Sergeant Bryan Jay Comia, may hawak ng kaso, 12:15 ng madaling araw ng maganap ang krimen kung saan nasita ng biktima ang salarin hinggil sa dis oras na nasa labasan pa ito.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa kung saan nagkasuntukan pa ang mga ito hanggang sa kumuha ng patalim ang salarin at pinagsasaksak ang biktima.



Agad din naaresto ang huli na kasalukuyan na ngayong nakakulong.(IRINE GASCON)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">