Advertisers

Advertisers

Ermat ni Rico nagsalita na, Claudine at Sabrina kapwa pinatatahimik

0 170

Advertisers

Ni BETH GELENA

KINILIG ang fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa video ng magka-labtim.
Nag-guest si Marvin sa “Magandang Buhay” na isa sa host si Jolens.
Viral ang kuhang video ni Marvin kung saan naglalakad siya papuntang stage habang makikita sa mukha ni Jolina ang shocked expression sa kanyang mukha.
Nang magkalapit ay mahigpit na nagyakap ang dalawa.
Nagbigay ng quote si Jolina mula kay Elisabeth Foley, “The most beautiful discovery true friends make is that they can grow separately without growing apart.”
Meanwhile, Jolina’s post eventually caught the eye of Marvin who said, “Grabeee naman makayakap yang “bestfriend mo lang naman” parang miss na miss ka.”
***
REGINE PINURI SI BELLE SA BAGO NITONG KANTA FANS GUSTONG MAG-COLLAB SILA
PINURI ng Asia’s Songbird Regine Velasquez si Belle Mariano sa bago nitong single.
Nasa cloud 9 si Belle nang makarating sa kanya ang papuri ng Asia’s Songbird
Ani ng veteran singer, ang ganda raw ng kanta at ang sweet ng singing voice ni Belle
“Wow what a beautiful song and sweet voice,” ani Regine.
Na-overwhelm naman ang young actress-singer habang buong puso na pinasasalamatan ang batikang singer.
Aniya pa, hindi raw niya malilimutan sa buong buhay niya ang napakagandang compliment mula sa Asia’s Songbird.
Maging ang fans ni Belle ay pinasalamatan si Regine at may request pa sila na sana mag-collab ang dalawa.
“Thank you Ms @reginevalcasid Waiting sa collab nyo ms. Reg!”
“Sana soon magkaroon kayo ng collab Ms.Reg like an angel Yung music vid parang katulad ng Till I Met You niyo ni Mr. Robin Padilla proud tita Shirley”
“Sa wakas nakarinig din ng medyo unique Pinoy music. Hindi puro emo, at biritan”
***
Bigyan nyo ng katahimikan si Rico dalawang dekada na siyang wala
INA NI RICO NAGSALITA NA SA PUBLIKO
NAGSALITA na ang mother ni Rico Yan sa publiko na tigilan na raw ang namayapang anak sa isyung naglalabasan.
Dalawang dekada nang patay ang aktor na ngayon ay muling nakakaladkad ang pangalan dahil sa isyung nagmula kay Sabrina M.
Pumiyok kasi ang actress na si Claudine Barretto nang itsika ng sexy star na naging dyowa umano siya ni Rico nung hiwalay na sina Clau at Rico.
Sa pagkakaalam naman ng publiko, si Claudine ang last ni Rico despite them having broken up weeks before he passed away.
Dahil hindi matapos-tapos ang isyu kina Sabrina at Claudine minabuti ng ina ni Rico na magsalita na.
“It has been 21 years since Rico passed on March 29, 2002. The pain of the family losing a son and a brother has been permanently etched into our being,” umpisa ng kanyang statement na pinadala niya showbiz columnist na si Ogie Diaz.
Ibinahagi ni Ogie sa kanilang Showbiz Update ni Mama Loi ang pinadalang statement ng ina ni Rico.
“The recent news swirling around Rico is very unfair,” said Mrs. Yan. “He is no longer around to give his comment, to either refute, or deny, or acknowledge the claims.”
“It is not only unfair but disrespectful,” ani Mrs. Yan.
“I ask everyone concerned to please STOP using Rico’s name for their own individual purposes,” she pleaded.
“Please leave Rico and us in peace.”
Komento ng netizens:
“Hay salamat at nagsalita na si Mudra! Tumahimik na kayong lahat”
“Aaaay, same sentiment! nakakaawa si Rico Yan. C and S stop na.”
“Stahp na sa mga mangga. Maryosep manahimik na kayong LAHAT. sabeh! Take note everyone meaning lahat nyahahaha”
“Malamang bwisit na bwisit na un nanay ni Rico kaya napilitan ng magsalita. Imagine after two decades na namatay eh pinagaagawan pa din si Rico. Claudine should stop acting and pretending to be the grieving widow. Truth be told, hiwalay na sila nun. Si Sabrina naman imbes na magpasabog ng kung ano ano eh husayan na lang sana niya sa pag arte. The message is clear. They both should have just shut the f up anything that concerns Rico. Dahil sa totoo lang, wala silang parehong K. Ganun kasimple. Ganun kadali.”
***
15 years after Kahit Isang Saglit
ECHO AT CARMEN SOO MULING
NAGTAGPO
NAGKITA sina Carmen Soo at Jericho Rosales nang bumisita ang Malaysian actress dito sa Manila.
Sa Instagram ni Soo ay makikita ang larawan nilang dalawa ng aktor.
Aniya: “Yup, ‘Kahit Isang Saglit’ was 15 years ago.”
“Caught up with @jerichorosalesofficial and Tita @marinezelizalde during my last trip to Manila,” ani Carmen sa kanyang post.
Kahit matagal nang hindi nagkita ang dalawa ay nanatili ang kanilang friendship kaya wala silang ilangan nang magkita.
Though the two still looked youthful, nagawang magbiro ni Carmen.
“We all need reading glasses now,” aniya.
“Reading your caption 15 inches away from my face,” sey naman ni Echo.
Narito sa Pinas ang Malaysian actress not just to visit old friends but to be part of another teleserye, ang second season ng The Iron Heart kung saan ang role niya ay si Harmonia.