Advertisers

Advertisers

Tapales oobserbahan ang laban nina Fulton at Inoue

0 269

Advertisers

PANONOORIN sa ringside ni WBA at IBF super bantamweight world champion Marlon Tapales ang laban nina Stephen Fulton at Naoya Inoue sa July 25 sa Tokyo, Japan.

Idedepensa ni Fulton ang kanyang WBC at WBO belts laban kay Inoue, na ang mananalo ay kakalabanin ni Tapales sa 122 pounds.

Nitong nakaraang buwan, pinayagan ng WBA ang 31-anyos na Tapales na kaharapin ang mananalo sa Fulton – Inoue title match.



Sasamahan si Tapales nina JC Manangquil ng Sanman Boxing at Sean Gibbons ng MP Promotions.

Si Tapales ay naging two-division titleholder nitong April matapos ang split decision win laban sa noo’y defending champion na si Murodjon Akhmadaliev. Pagkatapos ng kanyang panalo, hinamon niya si Inoue.



Si Inoue ang tumalo ng dalawang beses kay dating 4-division world champion Nonito Donaire na nakatakda namang lumaban sa title fight sa July 25 sa undercard ng Spence-Crawford super fight.

Maraming observers ang pabor kay “Monster” Inoue, ang dating undisputed bantamweight king, laban kay Fulton, na magdedepensa ng kanyang unified titles sa ikalawang beses.



Pero ilang boxing analyst ang naniniwala na may skills at talento para gapiin ang Mosnter.

Sino man ang manalo sa kanila, may kamaong bakal naman si Tapales na magpapabagsak sa kalaban.