Advertisers

Advertisers

Dahil tinapos na ni PBBM ang public health emergency, COVID-19 medical protocols sa ‘Pinas, inalis na

0 117

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Sabado ng gabi, na ang lahat ng medical protocols ng COVID-19 sa Pilipinas ay inalis na.

Kasunod na rin ito nang pag-terminate ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa deklarasyon ng public health emergency sa bansa dahil sa naturang virus.

Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kabilang dito ang requirement sa pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon at iba pang lugar.



Gayunman, hindi umano kasama rito ang Emergency Use Authorization (EUA) para sa mga bakuna at pagbabayad ng outstanding dues para sa Health Emergency Allowance.

“In accordance with the Executive Order (EO) in question, it is hereby conveyed that all established medical protocols are henceforth lifted, with the exception of the Emergency Use Authorization (EUA) pertaining to vaccines and the payment of outstanding dues for the Health Emergency Allowance,” ayon kay Herbosa.



Dagdag pa niya, ang validity period nito ay palalawigin pa ng karagdagang isang taon.

“The validity period of the former shall be extended for an additional year, allowing for the depletion of remaining vaccine supplies,” aniya.



“Consequently, the requirement for wearing masks in public transportation and other settings as specified in EO 7 is now considered rescinded from a technical standpoint,” ani Herbosa.

Nabatid na sa ilalim ng Executive Order 7, na nilagdaan ni Pang. Marcos noong Oktubre 2022, ang paggamit ng face masks ay mandatory na lamang sa healthcare facilities, kasama, ngunit hindi limitado sa mga klinika, mga pagamutan, laboratory, nursing homes at dialysis clinics; medical transport vehicles, gaya ng mga ambulansiya at paramedic rescue vehicles; gayundin sa mga public transportation, mapalupa man ito, pang-himpapawid o karagatan.

Samantala, sa kanyang panig, sinabi naman ni infectious diseases expert na si Dr. Rontgene Solante, na ang pag-aalis ng health protocols ay nangangahulugan na panahon na upang mag-move on ang bansa mula sa pandemya.

Sa kabila naman nito, hinihikayat pa rin ni Solante ang mga taong nakikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 at yaong naninirahan sa mga high-risk areas na patuloy na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa virus. (ANDI GARCIA)