Advertisers

Advertisers

Mayora Honey, payag na buhayin ang sister-city relationship sa pagitan ng Maynila at Chongqing, China

0 157

Advertisers

PAYAG na payag si Mayor Honey Lacuna na buhaying muli ang sister-city relationship sa pagitan ng lungsod ng Maynila at ng municipalidad ng Chongqing sa China, at pinaniniwalaang pinakamalaking lungsod sa sa buong mundo.

SI Madam Lu Hong, standing member ng CPC Chongqing Committee at hepe ng United Front Work Department ng CPC Chongqing Committee, habang tinatanggap mula kay Mayor Honey Lacuna ang key to the city. Sa kaliwa si Vice Mayor Yul Servo. (JERRY S. TAN)

Si Lacuna, kasama si City Administrator Bernie Ang ay pormal na sinalubong at tinanggap ang delegasyon mula Chongqing, na pinamumunuan ni Madam Lu Hong, standing member ng CPC Chongqing Committee at hepe ng United Front Work Department of the CPC Chongqing Committee, nang ang mga ito ay mag t courtesy visit sa kanyang tanggapan sa Manila City Hall. Naroon din ang Manila’s department of tourism chief Charlie Dungo, Manila Chinatown Development Council (MCDC) executive director Willord Chua, Manila’s Ambassadress of Goodwill to China Chang Lai Fong at Manila-China Cultural Affairs Office (MCCAO) officers Jenny Wang at Owen So.



Sa pamamagitan ng kanyang interpreter, nagpahayag ng pasasalamat si Madam Lu kay Lacuna para sa mainit na pagtanggap na ibinigay nito sa kanyang delegasyon interes na buhayin muli ang ‘friendship ties’ na naitatag noong 2011 at palawigi pa ang relasyon sa sister-city relationship kung saan maaaring maganap ang pagpapalitan sa maraming aspeto.

Sina Lacuna at Madam Lu ay nagpalitan ng impormasyon tungkol sa kanya-kanyang kalakasan ng kanilang lungsod at sa kung ano ang maiaalok nito upang makapagtatag pa ng mas malalim na relasyon sa isa’t-isa.



Ipinahayag ni Madam Lu ang kanyang paghanga kay Lacuna at sa istilo ng liderato nito, at sinabing nakaka-relate siya dito dahil dati rin siyang mayor sa kanilang bansa bago siya naitalaga sa kanyang kasalukuyang posisyon.

Pinuri niya ang naging performance at mga programa ni Lacuna para sa mga mas nangangailangang sektor at espesyal pang binanggit ni Madam Lu ang probisyon ng Maynila na mga allowances para sa senior citizens at mga estudyante.



Tuwang-tuwa na nasorpresa si dahil batid ni Madam Lu ang mga kaganapan niya bilang alkalde ng Maynila sa nakalipas na taon. Sinabi pa ni Lacuna na ginawa talaga ni Madam Lu ang kanyang homework.

“Chongqing is very close to the hearts of Manilans..we have been facing the same challenges on urbanization and we want to learn more from you…we are thankful that you are here to visit us because this will open the windows of opportunities for our city. When you go back to your place, please tell them the good news that the city of Manila is a city that recognizes you not only as a partner but as a true friend of our beloved city,” sabi ni Lacuna.

Sa bahagi naman ni Madam Lu, sinabi niya na habang ang relasyon sa Maynila ay naitatag noong 2011, hindi ito na-explore ng husto kaya nama nais niyang palakasin ang relasyon ng dalawang lungsod, na kung saan ay sinangayunan naman ni Lacuna at tiniyak na ito rin ang nais niyang mangyari.

Ang katiyakang binigay ng ng alkalde ay sinangayunan ni City Administrator Ang, na nagsabi na ang ang lungsod ng Maynila ay nagpamalas na ng kahalagahan ng relasyon nito sa China sa pagtatatag ng MCDC, MCCAO at maging nang pagtatalaga ng Ambassadress of Goodwill sa China.

Ang dalawang kababaihanh lider ay nagpalitan ng souvenir items at pormal na sumangayon na gumawa ng sister-city agreement upang makasabay sa daloy ng panahon at ito ay ang pagtataguyod ng cultural, economic, educational and trade exchanges, at iba pa , sa pagitan ng dalawang lungsod.

Ang Chongqing ay isa sa apat na munisipalidad na nasa ilalim ng direktang administrasyon ng central government ng People’s Republic of China, ang tatlong iba pa ay ang Beijing, Shanghai, at Tianjin. Sinasabing kasing laki ito ng Austria, at may permanenteng populasyon na 30 million. (ANDI GARCIA)