Advertisers

Advertisers

Kasambahay nilimas P4m pera at alahas ng amo

0 226

Advertisers

KULONG ang isang kasambahay nang matuklasan ng kaniyang amo na nawawala ang kaniyang vault na naglalaman ng cash at mga alahas na may kabuuang halaga na mahigit sa P4 milyon sa Las Piñas City, Martes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Brigadier General Roderick Mariano, ang suspek na si Rosanna Salvadora, 31 anyos.

Sa ulat ng Las Piñas City Police Station, 6:00 ng gabi ng Agosto 1 nang matuklasan ng complainant na si alyas Ysa, 56, na nawawala ang vault sa kaniyang silid, sa Versailles Daang Hari, Almanza Dos, Las Piñas City.



Nang dumating ng bahay ang biktima, kinabahan na siya nang makitang nakabukas ang kaniyang cabinet at agad tiningnan ang vault na kinalalagyan ng pera at mga alahas.

Nang tanungin si Salvadora, sinabi umano nito na nasa dirty kitchen ang vault, na natagpuan naman doon subali’t wala na ang mahigit P1,000,000 cash, isang Rolex watch na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, at iba’t ibang uri ng alahas na wala na nasa nasa P2,133,00.00 ang halaga.

Inihahanda na ang reklamong Theft laban kay Salvadora na nakapiit sa Las Piñas Police custodial facility.

Iniimbestigahan pa si Salvadora kung may mga kasabwat ito, na hinihinalang pinapasok niya sa bahay ng amo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">