Advertisers
NASA 11,000 na mga pulis ang itatalaga ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa buong bansa sa Agosto 29, 2023.
Ayon kay Col. Jean Fajardo, spokesperson ng PNP, nitong July 25 ay nagkaroon ng first consultative meeting presided ng DepEd at dumalo ang PNP at mga concerned agencies at nag-present ng kanilang mga initial plans and security plans para sa pagbubukas ng klase at ang PNP ay naglabas na rin ng operational guidelines ng Oplan Balik Eskuwela 2023 for school year 2023 to 2024.
Ipupuwesto ang mga pulis sa mga police assistance desk malapit sa mga paaralan para magbantay ng seguridad.
Maliban pa yan sa mga pulis na nakatoka sa mobile at beat patrol.
Samantala, sinabi pa ni Fajardo na may atas na sa mga field commander na makipag-ugnayan sa mga
paaralan.
Magkakaroon naman ng launching ng Oplan Balik Eskwela sa darating na Lunes, August 14, 2023. (Mark Obleada)