Advertisers
NASAWI ang isang pulis at 2 ang sugatan sa pananambang ng mga elemento ng New People Army (NPA) sa mga otoridad na maghahain ng warrant of arrest sa Calatrava, Negros Occidental, Miyerkoles ng umaga
Kinilala ang nasawi na si Corporal Jaime Nunez, habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga sugatan sina Captain Jesus Alba, deputy chief ng Calatrava Municipal Police Station; at Corporal Dennis Nasis.
Sa report, 9:40 ng umaga nang maganap ang pananambang sa pinagsanib na mga elemento ng 79th Infantry Battalion, Philippine Army, 6th Special Action Battalion, 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company at Calatrava Municipal Police Station sa Sitio Icogan, Brgy. Minapasok, Calatrava.
Ayon sa ulat, maghahain ng warrant of arrest sa kasong murder laban kay Darry Dayawan na inisyu ni Judge Arville Guyod Delgado ng RTC Branch 57, San Carlos City Negros Occidental, noong Feb. 18, 2022; at warrant of arrest para kay Charity Amacan, et. al. sa paglabag sa Section 3 of RA 9516 na ipinalabas ni Hon. Judge Arville Guyod Delgado ng RTC Branch 57, San Carlos City Negros Occidental noong November 22, 2020; na pawang miyembro ng NPA.
Pagsapit sa nasabing lugar pinasabugan ng landmine at pinaulanan ng mga bala ng mga rebelde ang convoy ng mga otoridad, at nagsimula ang engkwentro.
Tumagal ang bakbakan ng ilang minuto na ikinasawi ni Nunez at pagkakasugat nina Alba at Nasis, habang tumakas ang mga rebelde sa iba’t ibang direksyon.(Mark Obleada)