Advertisers

Advertisers

WALANG BASEHAN

0 132

Advertisers

“BACK up your claims.” Yan ang naging hamon ng ating National Security Council sa bansang China na sinasabing nangako o may kasunduan raw tayo sa kanila na tatanggalin natin ang barkong BRP Sierra Madre (LST-57) sa Ayungin Shoal sa may West Philippine Sea.

Ang hamon na iyan ay inihayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na walang basehan ang sinasabi nitong mga Tsengwa na tayo raw ang mismong nangako sa kanila na tatanggalin natin ang BRP Sierra Madre.

Kung may kasunduan nga naman, dapat ay may basehan ito. May papel o dokumento na may usapang ganoon. Kung ito ang sinasabi ng mga Tsengwa, dapat maglabas din nga naman sila ng basehan o ebidensiya sa kanilang ipinangangalandakan.



Sabi nga ni Malaya, na taga-pagsalita rin ng NSC, kung talagang meron tayong kasunduan, responsibilidad ng China na maglabas ng basehan at tukuyin kung sino ang makipag-kasunduan sa kanila.

Dahil para sa Pinas, wala ni anumang record o’ legal na dokumento, ang hawak nito na magpapatunay na may ganuon ngang kasunduan. Kung mayroon man talaga, dapat ay alam din ito ng NSC.



Ang BRP Sierra Madre nga ang ginagawa nating simbolo ng ating karapatan sa bahaging iyon ng karagatan. Bakit naman natin kailangan alisin doon. Isa pa kaya natin nilagay ang barkong iyon sa lugar, ay nabibilang ang parteng iyon ng karagatan sa ating ‘exclusive economic zone.’

Ang nangyaring pambabastos ng mga Tsengwa nang sabuyan nila ng tubig ang mga barkong maghahatid lamang ng supply sa mga sundalo sa nakasadsad na Sierra Madre ay isang paglabag na sa ating karapatan. Inilagay pa nga ng mga Tsengwa sa panganib ang mga buhay ng ating mga sundalo sa lugar na iyon.



Karapatan natin supplyan ang ating mga sundalo sa barkong na iyon ng lahat ng kanilang pangangailangan.

Sabi nga ni Malaya, kailangang itigil na ng mga Tswengwa ang mga ganitong gawain. Di lamang Pinas ang tumututol sa ganitong mga pangyayari, kung di ang iba pang mga bansa.

Wala talaga tayong mapapala sa pakikipagkaibigan natin sa mga Tsengwa, masyado silang mapagsamantala. Ibang-iba sa kanila ang mga Filipino-Chinese na nandirito at lumaki na sa ating bansa.