Advertisers
Inaprubahan na ng house panel ang revised MUP Pension Reform matapos magkasundo ang economic managers ng Kamara at military and uniformed personnel sa magiging bersiyon ng panukala.
Ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, ad hoc committee chair, ang inaprubahan nilang bersiyon ng panukala ay magagarantiya ang 3% na salary increase ng mga MUP sa susunod na sampung taon.
Magiging 57 years old na rin ang retirement age sa lahat ng MUP na kinabibilangan ng AFP, PNP, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, BJMP, BUCOR at NAMRIA.
Sinabi ni Salceda na mananatili din ang indexation na katumbas ng 50% ng kanilang comparable rank at ang pagkakaroon ng lump sum para sa mga PNP personnel na mas mababa sa 20 taon na serbisyo gayundin ang pagkakaroon ng magkahiwalay na trust fund para sa AFP at non AFP MUP pati na ang sub-fund para sa mga indigent o disadvantage MUP sa ilalim ng trust fund.
Sa bersyon na ito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso,tila magsisilbi itong pamatay- sunog sa nag-aalburutongsintimiyento Ng mga uniformed personnels partikular na ng kasundaluhan at pulisya.
Sa bersyon ni Cong.Salceda, binigyan nito ng malaking importansiya ang hiling ng mga sundalo na mapagkalooban ng seguridad ang kanilang pagreretiro sa serbisyo.
Ang hindi lamang natin masiguro ay kung 100 percent naman sa proposal na ito ang mga senior officers ng AFP at PNP- na hanggang sa ngayon ay di pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag at reaksyon sa bersyon ni Cong.Salceda.
Mahalaga kasi na pinapaboran ito ng kasundaluhan at ng pulisya para mabura na ang agam- agam sa paglulunsad ng isang kudeta.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com