Advertisers

Advertisers

Programang mental health and child protection, tagumpay – Mayora Honey

0 118

Advertisers

INANUNSYO ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tagumpay ang programang ang layunin ay proteksyunan ang mga kabataan ng lungsod.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ang Manila Peace and Order Council sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay na pinamumunuan ng pangulo nito na si Councilor Lei Lacuna, ay nagtagumpay sa mga isinagawa nitong seryeng ng Mental Health and Child Protection seminars na may temang: “Kapakanan at Kaligtasan ng Kabataan Prayoridad ng Barangayan.”

Ang seminars ay ginawa sa San Andres Sports Complex.



Bawat isang barangay sa may 896 na mga barangay sa Maynila ay nagtakda ng dalawang kinatawan para lumahok sa seminars.

Ang mga lumahok ay inaasahang magagamit ang mga impormasyon na kanilang natutunan upang ibahagi sa kanilang kapwa barangay workers.



Ang seminars ay ini- schedule kada distrito at ginawa mula August 18 hanggang August 24, 2023 mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Binigyang diin ni Mayor Honey ang kahalagahan ng mga barangay sa paghawak ng mga usapin na nakakaapekto sa mga kabataan, lalo na sa mga tinatawag na in conflict with law. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">