Advertisers

Advertisers

3 mayors sa Romblon lumagda sa manifesto ng ‘good governance’

0 167

Advertisers

TATLONG alkalde sa probinsiya ng Romblon ang pumirma sa manifesto ng ‘Mayors for Good Governance’ (M4GG), samahan ng local chief executives sa bansa na naghahangad ng transparency, pananagutan, at etikal na pamumuno sa lahat ng antas ng pamahalaan.

Ito’y sina Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic ng Odiongan, Mayor Riza Galicia-Pamorada ng Alcantara, at Mayor Gerard Montojo ng Rombon, Romblon.

Ang Romblon ay mayroong 17 municipalities, pero tatlo (pa)lang ang lumagda sa manifesto ng good governance. Anyare sa 14 pang mayors? Hindi ba nakarating sa kanila ang manifesto o nahihiya silang pumirma dahil … sila? Say n’yo, Romblomanon?



Ayon sa online Romblon News Network (RNN), nitong Agosto 19 ay nasa 80 mayors na sa buong Pilipinas ang lumagda sa manifesto ng M4GG. Ang Pilipinas ay mayroong 1,489 municipalities at 245 cities.

***



Nitong mga nagdaang araw ay sunud-sunod ang paglabas ng resolution sa mga kaso ng katiwalian laban sa mga halal na opisyal ng Romblon province.

Sinuspinde ng Korte Suprema ng 2 years sa pag-practice ng law ang alkalde ng Corcuera na si Rachel Minon-Banares. Nilabag niya ang Code of Professional Responsibility (CPR).



Sumunod ay pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan na 10 taon pagkakulong kina Romblon, Romblon Vice Mayor Mariano Mateo, dating Mayor Leo Merida, at walong mga dating opisyal na sina Melben M. Mesana, Gerry M. Mijares, Francisco G. Mayor Jr., Chris G. Mazo, Ramon M. Magallon, Edler M. Robis, Rafael R. Riano, at Bryant R. Riano, kaugnay sa maanomalyang pagbili ng isang heavy equiptment, backhoe, na nagkakahalaga ng P13.95 million noong Nobyembre 2005 nang hindi dumaan sa public bidding, kungsaan si Merida ang mayor noon at si Mateo ay konsehal pa lamang. Binayaran ng tseke ang backhoe December 28, 2005 pero dumating ang equiptment Sept. 13, 2006.

Uso talaga sa Romblon ang walang bidding at biding-bidingan at sila mismo ang kontraktor.

Ang kaso laban sa mga nabanggit na opisyal ay isinampa ng Ombudsman noong 2010. Tapos na ang maliligayang araw ng mga kulimbat. Naghihintay na sa kanila ang National Bilibid Prison… Araguy!!!

Inaabangan naman ngayon ng mga Romblomanon ang resolution ng kaso ng kanilang dating gobernador ngayon ay kinatawan ng lone district ng lalawigan na si Eleandro “Budoy” Madrona.

Kaugnay ito sa P4.5 million fertilizer fund scam noong 2004, at isinampa ng Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan 2017.

Ang kasong ito ay for resolution na, natapos ang mga pagdinig noon pang Abril 2022. Ito’y nasa mga kamay ng 6th Division ng Sandiganbayan.

Si Madrona ang kinikilalang “hari” ng mga politiko sa Romblon. Halos lahat ng mga politiko o kandidato ‘pag eleksyon ay sa kanya tumatakbo para sa pondo. You know!

Kaya kaabang-abang para sa mga Romblomanon ang desisyon rito ng Sandiganbayan. Abangan!

Ang huling nahatulan ng ‘guilty’ (kulong ng 8 years at ban sa pubic service) ng Sandiganbayan sa fertilizer fund scam ay ang dating gobernador ng Quirino na si Pedro Bacani, na kinasuhan sa Ombudsman noong 2004 at natapos ang kaso ng Sandiganbayan noong Hunyo 2022.

Halos lahat ng nakasuhan sa fertilizer fund scam ay nahatulan ng ‘guilty’. Araguy!!!