Advertisers

Advertisers

71 INFRA PROJECTS NG MARCOS ADMIN IBIDA NG NEDA

0 103

Advertisers

NASA 71 na ang mga infrastructure projects na kasalukuyang ginagawa ng pamahalaan hanggang nitong July 2023.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan na nagkakahalaga ito ng P4.11 trilyon.

Aniya, sa first quarter ngayong ay 68 projects lamang ito pero nadagdagan pa ng tatlo na nasa ‘ongoing phase’ na kung saan kinabibilangan ito ng Metro Cebu Expressway, Nautical Highway Network Improvement, at Daang Maharlika Improvement projects.



Sinabi ni Balisacan na pinangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng connectivity at transportation infrastructure projects upang mapaganda ang connectivity sa buong bansa.

Sa nalalabi namang 123 Infrastructure Flagship Projects o IFPs, 27 na ang approved for implementation, walo ang naghihintay pa lamang ng approval, 52 ang nasa project preparation phase, at 36 ang nasa ilalim ng pre-project preparation phase hanggang nitong July 2023.



Isiniwalat ni Balisacan na lusot na rin sa NEDA Board ang revised guidelines para sa pagbuo, pagsasaprayoridad at monitoring ng IFPs ng pamahalaan.

Samantala, aprubado na rin ng NEDA Board ang hirit na baguhin ang halaga o gastos, saklaw, at implementation timeline ng Flood Risk Management Project para sa Cagayan de Oro River.



Sabi ni Balisacan, layon ng proyektong ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibsan ang mga pagbaha sa mga high-risk at flood-prone areas sa lungsod.

Ayon sa opisyal, sa ganitong paraan ay mas magiging matatag pa ang mga komunidad sa tabing ilog laban sa climate change at iba pang mga sakuna.

Kinumpirma naman ni Balisacan na inaprubahan na rin ng NEDA Board ang pamamahagi ng anim na fire trucks para sa Marawi City sa pamamagitan ng Official Development Assistance o ODA grant mula China na nagkakahalaga ng P72.5 milyon.

Dagdag pa ng kalihim, ito ay bilang suporta sa Bangon Marawi Rehabilitation and Recovery program ng pamahalaan para sa mga apektado ng Marawi siege noong 2017. (Gilbert Perdez)