Advertisers

Advertisers

Bugoy asang makababawi matapos maging batang ama

0 1,243

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ISA ang dating child performer na si Bugoy Carino sa promising actors na hinuhulaang susunod sa yapak ng magagaling at premyadong actor sa kasalukuyan.
Katunayan, sa murang edad ay nanalo agad siya ng best supporting actor award sa 1st Asean International Film Festival and Awards at iba pang award-giving bodies para sa pelikulang “Alagwa.”
Nakapagbida na rin siya sa seryeng E-Boy at nakalabas sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN.
Pero ang kasikatan niya ay naudlot nang makabuntis siya sa edad na 16 na naging kontrobersyal noon.
Para sa actor, aminado naman siyang may mga desisyon siyang nagawang dala ng kapusukan ng kanyang kabataan na dahilan para maunsyami ang kanyang career.
Aniya, noong una raw ay may naramdaman siyang panghihinayang lalo pa’t papunta na sa peak ang karera niya noon.
“Opo noong una po. Noong time na iyon, iyon iyong peak ng career ko tapos nawala. Sobrang panghihinayang po. Sabi ko nga, siguro kaya ito binibigay sa akin ni Lord kasi kaya ko itong pagdaanan,” aniya.
Aware rin siya na dahil sa kontrobersya sa kanya noon, maraming oportunidad ang nasayang.
“Totoo naman po kasi nagkaisyu po noon na nakabuntis ako. Maraming na-reject na project. Maraming natanggal, mga natanggal na raket na iyong career ko naging bad. Pero ngayon naman po, bumabawi tayo,” lahad niya.
Sey pa niya, marami rin raw siyang natutunang leksyon sa kanyang pagiging batang ama tulad ng pagkamulat sa maagang responsibilidad.
“Para sa akin naman po, sobrang binago ako noong magkapamilya na ako kasi siyempre kapag may pamilya ka na, di mo na ginagawa iyong dati mong ginagawa, iyong labas-labas with friends. Iyong pagbubuhay-binata, hindi mo na ginagawa,” paliwanag niya.
“Ako naman po di ko na siya hinahanap kasi simula po noong six years old, nagtratrabaho na po ako. Para sa akin, hindi ko na siya hinahanap dahil nagawa ko na rin po naman ang gusto ko,” dugtong niya.
Masaya naman si Bugoy dahil pagkatapos ng ilang taon ay ipalalabas na ang pelikulang “Huling Sayaw” na pinagbibidahan niya.
Sa pelikulang ito na idinirehe ni Direk Errol Ropero, ginagampanan niya ang papel ni Danilo, isang binatang sa kabila ng mga balakid na hinarap ay hindi sinukuan ang kanyang pangarap na maging matagumpay na dancer.
Happy rin siya na makatrabaho si Belle Mariano na binibigyang-buhay ang papel ng kanyang childhood best friend at love interest.
“Kami naman po ni Belle, noong Goin’Bulilit days pa lang, kasama ko na siya na kami ang magka-loveteam. Actually noong mga 7 or 8 years pa lang ako, nagtea-teatro rin po ako. Nag-Pinocchio na po ako. Nakasama ko rin po si Belle roon so wala na kaming ilangan,” kuwento niya.
Si Bugoy ay mapapanood sa pelikulang “Huling Sayaw” na palabas na sa Setyembre 13 na hindi lang niya ipakikita ang galing sa pag-arte kundi sa paghataw sa pagsayaw.
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Rob Sy, Ramon Christopher, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Mark Herras, Zeus Collins at Mickey Ferriols.