Advertisers
NGAYONG Sabado, Setyembre 16, 2023, nakahanda iprisinta ng mga lokal na musikero at iskultor ang kanilang talento sa musika at sining bilang inisyatibo na isulong ang agarang climate action bilang pagtugon sa panawagan sa proteksyon at pangangalaga ng kapaligiran laban sa epekto ng climate change at global warming.
Ang pagtatanghal, na binansagang Local Filipino Artists for Climate Action, ay suportado nina presidential adviser for poverty alleviation Secretary Lorenzo ‘Larry’ Gadon at Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr., na parehong binigyang diin ang kahagalahan ng pagkakaisa at kooperasyon sa pagharap sa krisis dulot ng nagbabago nating klima.
Nakadakdang itanghal sa ganap na alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng gabi sa prestihiyosong Dusit Thani Hotel sa lungsod ng Makati, ipaparada ng mga lokal na mang-aawit at iskultor sa nabanggit na konsyerto at art exhibit ang kanilang husay para ipakita rin ang halaga ng pagtugon sa climate change.
Ayon kay Commissioner Dela Cruz, ang mga obra ng kalahok na mga iskultor ay mula sa mga gamit na metal na ‘re-engineered’ sa mga upscale na produkto ng sining sa layuning makatulong na mabawasan ang basura habang sinusulomng ang proteksyon ng ating kapaligiran.
Idinagdag ng opisyal na ang espesyal na event, na kanilang inisposnoran katambal ng RJ Bistro at Dusit Thani, ay magbibigay din ng kontribusyon sa lokal na kabuhayan para sa ating mga local artist habang pinapaigting ang kanilang talento sa paglikha sa pagsuporta sa whole-of-society approach para sa climate action.