Advertisers

Advertisers

6 suspek sa pagdukot sa 6 sabungero arestado

0 149

Advertisers

NADAKIP ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 6 na suspek sa pagdukot sa 6 na mga sabungero na iniulat na nawawala sa Manila Cockpit arena noong Enero 13, 2022 sa isinagawang operation sa Parañaque City.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Julie A Patidongan alyas Dondon, Mark Carlo E Zabala, Virgilio P Bayog, Roberto G. Matillano Jr., Johnry R Consolacion at Gleer Codilla.

Inaresto rin ng mga otoridad sina Melchor Neri y Dagsan at Victotino Jocosol y Eneran sa kasong Obstruction of Justice.



Ayon kay Col Jack Malinao, CIDG Regional Field Unit 4A, dakong 1:45 ng hapon nang madakip ng mga operatiba ang mga suspek sa kanilang safehouse sa Parañaque City.

Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas na RTC Branch 40 Manila na walang ipinagkaloob na piyansa. (Mark Obleada)

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng CIDG Headquarter habang sumasailalim sa imbestigasyon at nakatakdang iharap sa korte. (Mark Obleada)