Advertisers

Advertisers

6 suspek sa missing sabungeros ‘no talk’, mayroon agad abogado

0 77

Advertisers

TIKOM sa kaso ng mga naarestong suspek sa pagkawala ng mga sabungeros sa Manila, ayon sa Philippine National Police (PNP).



“Matipid po iyong pananalita nitong anim na ito. Kagaya ng sinabi ko kanina, Saturday pa lamang ay may lumutang na po na lawyer sa kanila para i-assist,” pahayag ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo.

“Nagbanggit nga itong, accordingly, si Mr. Patidongan na sinabi na nasa korte na iyong kaso at haharapin na lamang po nila at doon sila sasagot sa mga akusasyon na sinampa sa kanila,” dagdag ni Fajardo.

Nitong Biyernes, anim sa akusado sa mga kaso ng missing sabungeros ang naaresto sa Parañaque, base kay PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr.

Kinilala ang mga nadakip na sina Julie Patidongan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla na mga security personnel ng Manila Arena na pag-aari ng kilalang “gambling lord” na si Atong Ang.

January 2022, naghain ng pormal na reklamo laban sa mga suspek ang mga pamilya ng missing sabungeros na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, at magkapatid na James at Marlon Baccay.

March 2022, sinampahan ng anim na counts ng kidnapping and serious illegal detention ang anim na suspek sa Department of Justice (DOJ).

Buwan ng Enero ng taon nang magsampa ang DOJ ng kidnapping and serious illegal detention charges laban sa anim na indibidwal na sangkot umano sa pagkawala ng sabungeros sa Manila Regional Trial Court.

Ang Manila Arena case o “Case 1” ang isa sa walong kaso ng missing sabungeros na iniimbestigahan ng CIDG sa pamamagitan ng Special Investigation Task Group Sabungero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.