Advertisers
MATAPOS ang halos 28 taon pagtatago sa batas, natimbog ang wanted na dating pulis na kapangalan ni Senador Joel Villanueva na pumatay sa isang opisyal ng militar sa Cainta, Rizal nitong Martes
Kinilala ni Philippine National Police Chief, General Benjamin Acorda, Jr., ang nadakip na si SPOI Joel Villanueva, kabilang sa mga most wanted persons na mayroon patong na P250,000 reward na inilabas ng pamahalaan.
Inaresto si Villanueva sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Homicide na inilabas ng RTC Lucena City sa pagpatay sa isang opisyal ng militar noong 1991.
Ayon kay Acorda Jr., nadakip si Villanueva ng mga elemento ng PNP Intelligence Group (PNP-IG) nang matukoy ang tunay na pagkakakilanan matapos magpalit ng pangalan sa isinagawang operasyon sa bahay ng kanyang anak sa Cainta.
Una nang nadakip si Villanueva ng mga otoridad pero nakatakas noong 1994, at muling nadakip subali’t nakatakas uli habang sumasailalim sa isang check up, at tuluyang nang nagtago.
Sinabi ni Macapaz na walang tumulong sa kanya. Magaling lang talaga siya magtago. Dati kasi siyang pulis at alam niya kung paano gumalaw ang pulisya.
Idinagdag din ni Macapaz na nagpalit ng pangalan si Villanueva kaya’t natagalan ang pagkakadakip dito. (Mark Obleada)