Advertisers

Advertisers

Mabigat na parusa sa jaywalking sa EDSA, hirit ng DILG

0 77

Advertisers

HINILING ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na mapatawan ng mas mabigat na parusa ang jaywalkers o ang mga taong tatawid sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) at C-5 Road.

Ayon kay Abalos, ito ay upang mapigilan ang mga pedestrian na tumawid sa naturang delikadong highway.



Kaugnay nito, hinikayat ni Abalos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga concerned local government units (LGUs) upang pag-aralan ang kanyang mungkahi.

Ipinaliwanag ni Abalos na ang EDSA at C-5 ay mga highway at mabibilis ang mga sasakyang dumaraan doon kaya’t delikado ang pagtawid dito ng mga mamamayan.

Sinabi pa ni Abalos na umaasa siyang mapag-aaralan ito ng MMDA at hihikayatin ang LGUs na nakasasakop sa EDSA upang ipatupad ito.

Kabilang sa LGUs na nakakasakop sa EDSA ay ang mga lungsod ng Caloocan, San Juan, Quezon, Mandaluyong, Makati, at Pasay.

Suportado naman ni MMDA chairperson Romando Artes ang naturang mungkahi ng DILG chief upang magkaroon aniya ng disiplina ang mga tao at sumunod sa batas-trapiko.

Tiniyak rin ng MMDA chief na makikipagtulungan sila sa Department of Transportation (DOTr) sa paghahanap ng solusyon upang mapigilan ang mga tao sa pagtawid sa mga naturang highway at mailayo sila sa tiyak na panganib at kapahamakan. (Almar Danguilan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.