Dahil sa smog: Klase at pasok sa Maynila suspendido
Advertisers
SINUSPINDE ni Manila Mayor Honey Lacuna ang klase sa pampubliko, pribado in person at face-to-face sa lahat ng antas sa lungsod. Suspendido rin ang trabaho sa Manila City Hall at satellite offices matapos maapektuhan ng smog ang malaking bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes.
Sinabi ng spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante, na ang suspensyon ay alinsunod sa rekomendasyon ng hepe ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na si Arnel Angeles.
Ang suspensyon ng trabaho ay ginawa dakong ala-una ng hapon, maliban sa mga departmento ahensya at tanggapan na may kaugnayan sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo tulad ng kalusugan at sa paghahanda at pagtugon sa disaster and calamities at iba pang esensyal n serbisyo dahil inaasahan ang kanilang pagbibigay nito.
Pinayuhan din ang mga residente na magsuot ng face masks at limitahan muna ang paglabas ng bahay.
Ayon sa PAGASA ang lagay ng panahon sa Metro Manila, Calabarzon, at iba pang bahagi ng Central Luzon ay “conducive for haze or smog formation.”
The condition occurs when very small particles get trapped close to the surface due to the presence of a thermal inversion, high humidity,and calm wind conditions.”
Ang volcanic sulfuric dioxide emission mula sa Taal Volcano ang naging dahilan din ng smog sa ilang bahagi ng bansa. (ANDI GARCIA)