Advertisers
TATLONG magkakasama sa trabaho na sakay ng truck na may kargang bagon ng mga motorsiklo ang agad na nasawi nang pagbabarilin ng mga kalalakihang naka-motorsiklong armado ng M16 rifles sa Barangay Aracan, Gingoog City, Misamis Oriental, Martes ng umaga.
Kinumpirma ng Gingoog City Police Station at ng Misamis Oriental Provincial Police Office ang naturang ambush na nagsanhi ng agarang kamatayan ng truck driver at dalawang kasama nito, mga empleyado ng isang malaking motor shop o tindahan ng mga motorsiklo sa Cagayan de Oro City.
Nabuwal at gumulong ang truck sa highway nang tamaan ng bala sa ulo ang driver nito.
Pansamantalang hindi muna kinilala ng pulisya ang mga biktima habang hindi pa naipapaalam sa kani-kanilang mga pamilya ang kanilang sinapit.