Advertisers
LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkamatay ng dalawang Pilipino sa bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Kinondena rin ng Pangulo ang karahasan at terror attack, kasabay pangakong patuloy nitong susuportahan ang mga apektadong Pinoy sa ibayong dagat.
Aniya, suportado naman ng pamahalaan ang inaasam na pangmatagalang kapayapaan na naka-angkla sa pandaigdigang batas at United Nations (UN) resolutions.
Iginiit ng Pangulo na hindi titigil ang gobyerno sa paghahatid ng suporta sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino community na apektado ng krisis.
Matatandaang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na may dalawang Filipino nationals na nasawi sa Israel-Hamas conflict. (Gilbert Perdez)