Advertisers
NALAMBAT ng Valenzuela PNP ang isang tulak ng iligal na droga na high value individual (HVI) sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naaresto na si Christian Delupio, 40, construction worker, ng 6111 Salvacion Looc, Brgy. Gen. T. De Leon.
Sa report, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek, 8:30 ng gabi sa Serapio Street, Brgy. Gen. T. De Leon.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t -kumulang 27 grams ng shabu na may Standard Drug Price value na P183,600.00, at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.(Beth Samson)