Advertisers

Advertisers

PBBM nag-panic nga ba sa destab plot?

0 21

Advertisers

Totoo nga bang nangatog ang mga tuhog ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa maugong na kudeta na posibleng ilunsad ng ilang dismayadong kasundaluhan laban sa kanyang administrasyon?

Ito ang impormasyong ating nakalap mula sa ating mga impormante diyan sa Malacanang.

Nagpanic umano si PBBM makaraang masagap ng “Intel community” ng AFP ang nasabing destabilization plot laban sa halos magdadalawang taong administrasyon ng batang Marcos.



Nag- ugat ang ugong ng kudeta makaraan umanong sunud- sunod na makalap ng AFP ang mga pagpupuliong ng ilang junior officers ng AFP sa imbitasyon na rin ng ilang retiradong general ng armed forces at ng kapulisan.

Nabahala rin ang liderato ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. patungkol naman sa positibong report na ilang miyembro at opisyales ng kasundaluhan ay spotted sa Sept.21,2023 Martial Law Proclamation anniversary rally na isinagawa ng anti- Marcos groups.



Lalong uminit ang isyu ng destabilisasyon sa hanay ng AFP makaraang harapang manawagan si dating Pangulong Rodrigo Road Duterte sa mamamayang Piliipino na wag magbayad ng buwisit hangga’t di nagsasagawa ng full audit ang Commission On Audit (COA) sa mga miyembro ng Kongreso na harapan namang kumakalaban at kumukuwestiyon sa tanggapan ng kanyang anak na si Vice President Inday Sara Duterte.

Para kasi kay FPRRD, pinipersonal at pinupulitika ng ilang miyembro ng Kongreso sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez,pinsan naman ni PBBM ang bise presidente.



Kinukuwestiyon ng Kamara at nga mga kaalyadong mambabatas ni Speaker Romualdez ang “confidential o intel fund” ng Office of the Vice President (OVP) ni Inday Sara.

Tingin ni FPRRD,pinupuna ang kanyang anak dahil tinatarget ito para siraan dahil sa papalapit na presidential elections sa 2028 kung saan nangungunang contender para tumakbong Pangulo ng bansa si VP Sara.

Tinukoy ng kampo ng mga Duterte si Speaker Romualdez na binansagang Tambaloslos bilang nasa likod ng demolition job laban kay Vice President Sara gamit ang ilang miyembro at resources ng Kongreso.

Samantala iniulat din na may mga meetings o pagpupulong ding nakapangyari sa pagitan ng apat umanong former Presidents ng bansa namely Duterte,GMA, Erap Estrada at Fidel Ramos nitong dalawang nagdaang buwan ng Setyembre at Oktubre ngunit di naman sinabi kung may kaugnayan ito sa tsismis na kudeta o pagpapatalsik sa poder kay PBBM.

Sa nabanggit na mga meetings present din umano ang ilang aktibo at retiradong general ng sandatahang lakas.

Dismayado rin umano ang kasundaluhan sa klase ng pamamalakad ni Marcos Jr. sa pamahalaan.

Lalong nakakakaba ay ang balita na marami sa mga miyembro ng mismong Presidential Security Group (PSG) ang umano’y masama ang loob at galit sa asal at trato sa kanila ni First Lady Liza Araneta Marcos na umano’y mistulang mga pribadong security guards lamang ng pamilya Marcos ang trato sa elite members ng PSG tasked to secured the first family.

Sinisigaw- sigawan umano at inuutos – utusan lamang ni FL Liza ang mga ito na para bang mga katulong at personal na “julalay”.

Saksi rin umano ang PSG sa mga magarbo, magastos,mayabang at bonggang mga parties na ginagawa sa loob ng Palasyo habang dumadaing at nagsusumigaw sa hirap ng buhay ang maraming ordinaryong Pilipino.

Isa umano sa mga isyu ang di pantay na estado ng mahirap at mayaman sa ating lipunan na nais i- address ng mga dismayadong kasundaluhan

Kung ganitong mistulang alila ang turing ni FL Liza sa mismong mga miyembro ng PSG,masasasabi natin na totoong may problema nga.

Hanggang sa muli nating pagtalakay sa isyung ito…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com