Advertisers

Advertisers

ELEKSIYON 2025 ANG ABANGAN

0 21

Advertisers

NAGHAHANDA na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na ‘Midterm National Elections’ na isasagawa sa buwan ng Mayo 2025 – wala nang dalawang taon.

Mabilis na ito! Lalo na’t gumaganda ang pulitikahan sa Pinas dahil sa mga isyung sumiklab sa loob lamang ng wala pang dalawang taon sa Malakanyang ni Pangulong Bongbong Marcos.

Lahat ng naging Pangulo o administrasyon ay natitiyak kong pinaghandaan ng mga ito ang ‘midterm national elections’ lalo kung ang kanilang inabot na mayorya sa Kongreso ay kapanalig ng nakalipas na administrasyon.



Subalit sa hindi inaasahan na pangyayari ay tila biglang niyanig ng mga isyu ang tambalang PBBM at Vice President Sarah Duterte kabilang na ang kanilang kilalang kakampi na si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Tiyak na nagmamasid lang sa gilid-gilid ang oposisyon. Naghihintay ng tamang pagkakataon para magamit ang pagkakataon na ito upang muling makabalik ang kanilang partido sa Malakanyang.



Alam naman ng lahat ang naging resulta ng nakalipas na ‘Presidential Elections’ kung paano natalo ang oposisyon nang dahil sa sobrang lakas ng tambalan na kanilang nasagupa.

Pero iba na ngayon! Hindi maitatago sa taumbayan na mayroon lamat sa kasalukuyang administrasyon na kung ito ay magtuluy-tuloy ay tiyak na kaabang-abang ang magiging resulta sa Eleksiyon 2025.



Posibleng mabiyak ang boto ng sobrang lakas na tambalan noong Halalan 2023 kaya may posibilidad na makalusot ang kampo ng oposisyon – masasayang ang magandang tambalan na siguradong pangmatagalan [sana] sa Malakanyang.

Kung susumahin kasi ang naging resulta noong 2023 ay talaga naman masasabi natin na walang partido o kilalang pulitiko man ang makatatalo sa tambalan na ito – parehong anak ng dating Pangulo at kakampi pa ang isang dating Pangulo.

Pero sa darating na Eleksiyon 2025 ay malalaman kung sino sa dalawa ang mas mayroon nakararaming suporta sa taumbayan upang makapagluklok ng kanilang mga kakampi sa dalawang Kapulungan ng Kongreso. Abangan natin…

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com