Advertisers

Advertisers

SUNDIN NATIN SI ABALOS

0 11

Advertisers

PARA kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. kinakailangan ang mga nagwagi nitong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay laging ‘matuwid.’

Kailangan aniya ipakita ng mga nagsipanalo sa BSKE ang kanilang kakayahang mamuno, tumulong at magbigay ng tunay na serbisyo publiko.

“Kung ano ang tama, gawin natin. Leadership is not about power. Leadership is about responsibility. It is about service to the public,” ang bilin ng ating kalihim.



Yan naman talaga ang tama. At hindi tayo nakilahok sa BSKE para lamang sa ating mga sarili. Bumoto at kumandidato ang iba sa atin na sana ito nga ang taglay.

Naniniwala ako, na iilan lang ang may ibang agenda sa pagtakbo sa BSKE. Karamihan ang hangarin ay talagang makapag-lingkod. Kakaunti lang sana ang naghahangad na magka-pera.



Sabi nga ni Secretary Abalos, tayo lang ang bansang may ganitong sistema – ang barangay. Upang mapabilis ang pamamahagi ng pamahalaan ng public service.

So, bottom line, mga barangay officials natin ang una nating takbuhan. Sila ang ating mga frontliners. Totoo naman, dahil sabi ng Barangay Captain na kakilala ko, talagang unang takbuhan – dahil kahit pampaanak, pangtuition, o kahit na pampabinyag ay inilalapit sa kanila ng kanilang mga kabarangay.



Ganun ang galawan sa ilalim ika nga, o’ grass root level na tinatawag. Di ka rerekta para manghingi ng tulong kay Mayor, kay kay Konsehal, o kaya naman ay kay Congressman. Kina Kapitan ka muna o kina Kagawad ka magpapatulong.

Lahat yan, sa anumang sakuna, insidente o aksidente, at anumang pangangailangan ang takbuhan mo ay iyong barangay.

Ganyang kahalaga ang barangay, hindi yan ginawa o idenisenyo para magkamal ka ng salapi. Yan ay public service.