Advertisers

Advertisers

Azkals to AsPins!

0 38

Advertisers

Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay 3-5 ang Lakers sa NBA at 1-10 naman ang Growling Tigers sa UAAP.

Tanong ngayon ni Banong ay wa hapen?

Yan dalawang koponan kasi ay inaasahan na pupukpok ngayon season.



Ang LA mas maigi naman ang standings sa unang walong laro kung ihahambing noong isang taon samantalang ang UST ay parehas lang ang rekord sa puntong ito kumpara noong 2022.

Ano nga ba ang problema? T



Tingnan natin ang team ni LeBron James. Wala pang gaanong chemistry tapos ilang starter nagkaroon pa ng mga injury kabilangna si Anthony Davis.

Yung mga game nila parating slow start at ang mga panalo puro sila naghabol. Ilang talo ay tambak pa kamo sila.



Kung susuriin mabuti tila hindi nila gaano naresolba ang kakulangan sa shooter lalo na yung sa tres.

Pinakawalan sina Lonnie Walker IV, Malik Beasly at Troy Brown Jr nguni;t ang mga hinaliling sina Taurean Prince at Cam Reddish ay hindi rin napunan ang kakulangan.

Ang point guard na si Dennis Schroder hindi ni-renew. Naiwan nga si D’ Angelo Russell at dumating si Gabe Vincent. Kaso wala sa kalibre ni Dennis sina Gabe at D’Angelo. Ang ganda ng game ni Schroder [ara sa Toronto. Sayang!

Sa mga may iniinda ay malaking bagay si AD na inaasahan sa opensa at depensa.

Marahil need ulit ng trade ni Rob Pelinka habang may oras pa.

Ito naman sa Espana-based cagers ay masyado mataas ang expectation komo bumabalik ang nagkampeon na noong si Pido Jarencio. Hindi lang yan. Suportado pa kamo ng higanteng San Miguel Corpration sa pamamagitan ng may “golden hands” daw na si Alfrancis Chua.

Hindi umubra ang puso, pride at palaban ni Jarencio na istilo sa unang taon niya muli sa Pontifical University.

Hindi rin nag-work ang magic kuni ni Chua. Aminin na natin na hindi ganoon kalakas ang line-up at siguro hindi naremedyuhan ito ng coaching style ni Pido. Lalo namang walang bisa ang sinasabing malamahikang kamay ni Chua.

Yung USTe out na at bawi na lang next year pero ang Lakers may pag-asa pa lalo kung magawan ng paraan ang line-up ni Pelinka. Malaking tulong din kung magkapag-adjust agad sina Coach Darvin Ham at kanyang staff.

***

Yung balita na niluluto na naman ang isang Mayweather-Pacquiao fight ay suntok sa buwan lang.

Pareho nang retirado at may mga eded na.

Ireng kampo ni Manny ay naghahanap na lang ng pagkakataon na mailagay sa balita sa media.

Matatandaan na sinubukan din nilang makapasok sa 2024 Paris Olympics kahit matanda na ito at hindi dumadaan sa qualfying round.

May plano pa sigurong tumakbo sa Senado sa 2025 kaya pursigido silang mapansin ng press.

Pwede naman manalo siya ulit sa halalan kasi mas maraming botante ang walang critical thinking.

Ayon naman kay Tata Selo ay dapat magpokus na lang ang pambansang kamao sa pagdiskubre at pagtulong sa mga batang boksingero. Sa gayon ay maging kapakipakinabang pa rin siya sa bayan.

***

Wala pang opisyal na desisyon sa posibleng suspensyon ng FIBA kay Justin Brownlee. Sa ika-17 pa ang unang laban ng Ginebra San Miguel sa PBA at ito ay kontra Converge. Nasa line-up pa rin ng GinKings na import si Justin Noypi. Rekomendado ni Brownlee si Renaldo Balkman pero tila may ibang Kano ang nasa plano ng GSM.

Ang alam lang natin maaaring isang buwan hanggang dalawang taon ang parusa sa kaso ng naturalized citizen ng Pinas. Kung sagad ang ipapataw malamang iapela ito upang mapaikli.

***

Kung ang dating Askal ( asong kalye) ay AsPin ( asong Pinoy) na ngayon ang tawag dapat palitan na rin ang taguri sa ating pambansang football team. Azkals magiging AzPins na.