Advertisers

Advertisers

BI hinarang, ‘di pinapasok ang Amerkanong blacklisted at akusado ng sexual abuse

0 17

Advertisers

SINABI ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na naharang nila ang Amerkanong blacklisted na nagtangkang pumasok muli ng bansa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 40-anyos na si Jared Allen Kasper ay hindi pinapasok sa NAIA terminal 1 noong Sabado nang dumating sakay ng Philippine Airlines flight mula Los Angeles, California.

Sinabi ni Tansingco na pinirmahan niya ang order na naglalagay kay Kasper sa BI blacklist nitong Oct. 25 matapos makatanggap ang ahensya ng reklamo sa tatlo sa mga biktima niyang babae na nag-aakusa sa Amerkano ng pang-aabusong sekswal at eksploytasyon.



“The complainants alleged that there were at least 20 Filipino women who were victimized by him but only the three of them filed a formal complaint,” sabi ng BI chief.

Kinuento ng mga babae kung paano nila nakilala si Kasper sa pamamagitan ng online dating app, at pinangakuan silang pakakasalan kung sisiping sa kanya.

Isinalaysay pa nila kung paano pilit silang kinunan ng litrato ni Kasper nang nakahubad, matapos silang magtalik at sinabing kailangan niya ang litrato bilang souvenirs.

Ang malala pa, sinabi ng mga complainants na ilan sa mga biktima ni Kasper ay nabuntis pero inabandona at hindi kinikilala ng Amerkano.

Lumilitaw sa records ng BI na si Kasper ay huling dumating sa bansa noong July 21 at umalis noong Aug. 3. Bumalik siya noong Sabado nang hindi batid na siya ay hindi na pinapayagang makapasok ng bansa dahil siya ay isa ng undesirable alien.

Samantala, ang border control and intelligence unit (BCIU) ng BI na pinamumunuan ni Dennis Alcedo ay inulat ang pagkakaharang ng isang Amerkano blacklisted na ng ahensya tatlong taon na ang nakakalipas dahil ito ay registered sex offender.



Ang 68-anyos na si William Calloway Shaw ay hindi pinapasok sa Mactan-Cebu International Airport noong Nov. 13 nang dumating sakay ng Korean Airlines flight mula Incheon.

Sinabi ni Alcedo na si Shaw ay dati na ring hindi pinapasok ng bansa noong 2020 base sa impormasyon na nakalap mula sa US embassy na siya ay isang convicted sex offender sa US.

Noong 2007, sa state of Washington, siya ay nag-pled guilty sa one count of third degree assault at two counts of communicating with a minor for immoral purposes, dagdag pa niya. (JERRY S. TAN)