Advertisers

Advertisers

PBBM ipinagtanggol si VP Duterte-Carpio sa impeachment rumors…‘AYAW NAMIN MA-IMPEACH SIYA’

0 15

Advertisers

NAGSALITA si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang depensa sa kanyang running mate, Vice President Sara Duterte-Carpio, na ayaw niyang ma-impeach ito.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Hawaii, sinabi ni Marcos na ang kanyang administrasyon ay binabantayan ang isyu ng impeachment, ayaw aniyang maalis ang kanyang Vice President sa puwesto.

“Of course, binabantayan namin ng mabuti because we don’t want her to be impeached. She does not deserve to be impeached,” diin ng Pangulo.



Pinabulaanan din niyang ang kanilang UniTeam, o ang kanilang alyansa noong May 2022 elections ay nagkakalamat na.

Ang isyu ng impeachment laban kay Sara ay nagsimula nang mabunyag ang kanyang P125 million confidential funds noong 2022, at ang kanyang hirit na malaking confidential at intelligence funds para sa 2024.

Inalis na ng House of Representatives sa kanyang mga tanggapan ang P650 million confidential funds para sa 2024 budget dahil sa pagkontra ng taongbayan.

Sinabi narin ni Sara na hindi na niya itutuloy ang kanilang hirit na confi-intel funds para sa Office of the Vice President (P500 million), at Department of Education (P150 million) kungsaan siya ang kalihim.

Si ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang nagbunyag na pinag-uusapan ng mga lider ng partido sa Kongreso ang impeachment laban kay Sara.

Kumalas narin sa partido (PDP Laban) ng ama ni Sara na si dating Pangulo Rody Duterte ang mga kaalyadong mambabatas, kungsaan lima nalang umano ang natitira mula sa bilang na 120, at naglipatan sa partido (Lakas CMD) ni House Speaker Martin Romualdez, ang pinsan ni Pangulong Marcos Jr.