Advertisers

Advertisers

SV kinukumpara kay Kuya Wil

0 7

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

 

JUST recently ay nakatsikahan ng madlang press pipol si Tutok To Win Partylist Representative na si Sam Versoza para sa kanyang programang Dear SV beginning this coming November 18, 2023 at 11:30pm.

 



“Kaya naman I am very thankful sa Kapuso Network lalo na kina Atty. Felipe Gozon at kay Atty. Annette Gozon Valdez dahil sa oportunidad na ibinigay sa akin para makatulong sa ating mga kababayan at para mapanood ang mga bagong episodes na makaka-inspired sa ating mga kababayan na hirap sa buhay para lalo silang maging matatag at di matakot ipagpatuloy ang buhay,” unang pagbabahagi sa amin ni Dear SV.
Matatandaan na unang ipinalabas sa CNN Philippines ang Dear SV last February kaya naman sabi nga ni Dear SV ay….”I’m so grateful to my first home network for giving me the opportunity to venture into TV hosting.”
When asked by yours truly kung ano ang masasabi niya na ikinukumpara siya kay Willie Revilla sa pagiging matulungin, ang nangingiti niyang sagot ay…..
“I am proud and honor na maikumpara kay Kuya Wil dahil itinuturing ko siyang Kuya at para na ring kapatid. Isa rin siya sa mga inspiration ng ating mga kababayan.

 

“Ang programang ito, sabi nga ni Kuya Wil (Willie Revillame), sabi ng team ko, nakikita ko na programa para sa bawat Filipino. Nagbibigay-inspirasyon, nagbibigay ng pag-asa, nagbibigay ng kaunting luha at sa dulo nagbibigay po ng kaunting saya,” saad ni Sam na medyo gumagaralgal na ang boses.

 

Ang tanong….bakit nga ba nagkaroon ng ginuntiang puso ang isang Sam Versoza?

 

Ang Mama at Papa raw niya ang nagturo sa kanya ng right values.
“Kundi dahil sa kanila wala ako at wala din ang mga ginagawa kong pagtulong sa ating mga kababayan. Ang Father ko po ang siyang nagturo sa akin na huwag makalimot na tumulong to the needy ones,” paliwanag niya.

 

And even added by saying…”My advocacy is to help the helpless who worked hard to improved their standard of living. And that is exactly what Dear SV stand for. Dear SV highlights not only individual but also the communities that handle all the hardships to improve and uplift their condition in life.”

 

And take note, kahit may posisyon sa ating gobyerno ang isang Sam Versoza bilang Tutok To Win Partylist Refresentative ay hindi niya ginamit ang pondo ng opisina niya para ipangtulong sa mga taong nangangailangan bagkus ay nanggagaling ang kanyang financial aids sa mga negosyong itinatag nila tulad ng FrontRow International at bilang Presidente ng mamahaling brand ng kotse, ang Maserati Philippines.

 



Well, we salute you Dear SV at pati na rin sa iyong parents dahil napalaki ka nilang isang mabuting tao at hindi makasarili. For sure haping hapi sa heaven ang iyong Dearest Dad dahil sa mga ginagawa mong kabutihan sa iyong kapwa tao.
So madlang pipol please don’t forget to watch DEAR SV na mapapanood tuwing Sabado at 11:30pm only at GMA7.